^

PSN Palaro

Guevarra naghari sa slam dunk

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Guevarra naghari sa slam dunk
Tinalo ni Guevarra si Renz Palma ng Blackwater sa dunk-off para pantayan ang record ni Niño Canaleta para sa pinakamaraming Slam Dunk titles.

CALASIAO, Panga­si­nan  , Philippines  —   Inangkin ni Rey Guevarra ng Phoenix ang kanyang pang-limang Slam Dunk crown sa 2019 PBA All-Star Weekend kahapon dito sa Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.

Tinalo ni Guevarra si Renz Palma ng Blackwater sa dunk-off para pantayan ang record ni Niño Canaleta para sa pinakamaraming Slam Dunk titles.

Hinirang naman si PJ Si­mon ng Magnolia bilang bagong Three-Point Shootout king matapos ta­lunin si NorthPort rookie Ro­­bert Bolick.

Nagsalpak ang 38-an­yos na si Simon ng 20 points sa eliminasyon bago bumanat ng 17 markers sa finals.

Matagumpay namang naidepensa ni Rain or Shine big man Beau Belga ang kanyang Obstacle Challenge crown.

Nagsumite si Belga ng 21 segundo para ungusan ng 0.3 segundo si second-placer Russell Escoto ng Co­lumbian.

2019 PBA ALL-STAR WEEKEND

REY GUEVARRA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with