^

PSN Palaro

Cariño tiwalang makukuha ang korona

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cariño tiwalang  makukuha ang korona
Ito ay matapos yumuko ang Lady Altas sa reigning champion Arellano University, 25-23, 9-25, 18-25, 25-22, 12-15 sa Game 2 ng best-of-three championship series.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Napigil ang tangka ng University of Perpetual Help System Dalta na mawalis ang tatlong titulo sa NCAA Season 94 volleyball tournament.

Ito ay matapos yumuko ang Lady Altas sa reigning champion Arellano University, 25-23, 9-25, 18-25, 25-22, 12-15 sa Game 2 ng best-of-three championship series.

Ngunit naniniwala si Perpetual Help head coach Macky Cariño na nasa kanila ang huling halakhak.

Kaya naman inaasahang ibubuhos na ng Lady Altas ang lahat upang mapayuko ang Lady Chiefs sa rubber match na lalaruin sa Martes.

“Naniniwala ako na amin yan (championship). Five-setter yung laro (sa Game 2) binigyan kami ng test. Nagkulang lang kami na laruin yung game namin at  yung kagustuhan na manalo,” wika ni Cariño.

Tanging si Best Outside Hitter awardee Cindy Imbo lamang ang nakagawa ng double digits matapos magtala ng 18 hits mula sa 13 attacks, apat na aces at isang block.

Nalimitahan lamang sa anim na puntos si Hannah Suico habang may walo lamang si Jhoana Rosal, pito si Jenny Gaviola at anim si team captain Bianca Tripoli.

Sa kabila nito, pinuri ni Cariño ang magandang laban na ibinigay ng kanyang bataan na kilala sa tawag na “comeback queens.”

Alam ni Cariño na hindi basta-basta isusuko ng Arellano ang laban dahil may sariling misyon ang Lady Chiefs - ang makuha ang inaasam na three-peat.

Handa ang Lady Altas na gawin ang lahat upang maitarak sa kasaysayan ang kanilang pangalan bilang ikatlong miyembro ng NCAA na nakakumpleto ng triple crown sa liga.

Nauna nang nagkampeon ang Altas na nagwagi laban sa College of Saint Benilde at ang Junior Altas na nanaig naman sa Collegio de San Juan de Letran.

vuukle comment

MACKY CARIñO

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM DALTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with