^

PSN Palaro

James, Chandler bumida sa Lakers

Pilipino Star Ngayon
James, Chandler bumida sa Lakers
Ito ang ikaanim na panalo ng Lakers, sinimulan ang season sa 0-3, sa 12 laro season at hinigpitan ang depensa sa Kings na may average na 118 points per game.

SACRAMENTO -- Humataw si LeBron James ng 25 points at humablot si center Tyson Chandler ng 12 rebounds para pangunahan ang Los Angeles Lakers sa 101-86 paggupo sa Kings.

Ito ang ikaanim na panalo ng Lakers, sinimulan ang season sa 0-3, sa 12 laro season at hinigpitan ang depensa sa Kings na may average na 118 points per game.

Sa ikalawang pagkakataon ngayong season ay hindi lumampas sa 100 points ang iniskor ng Sacramento.

Nagsalpak si James ng tatlong three-point at naglista pa ng 7 rebounds at 2 assists.

Naipanalo ng Los Ange­les ang apat sa huli nilang limang laban.

Gumawa si De'Aaron Fox ng 17 sa kanyang 21 points sa first half para pa­ngunahan ang Kings, nagtala ng malamyang 6-for-25 shooting sa 3-point line.

Sa Dallas, iginiya nina veteran guard J.J. Barea at rookie sensation Luka Doncic ang Mavericks sa 111-96 panalo kontra sa bisitang Oklahoma City Thunder.

Tumipa si Doncic ng 22 points at nagdagdag si Barea ng season-high na 21 markers mula sa bench, kasama ang 16 sa ratsada ng Dallas sa first half para talunin ang Oklahoma.

Ito ang ikalawang pa­nalo ng Mavericks sa huling siyam na laro at tinapos ang seven-game winning streak ng Thunder

Sa San Antonio, kumolekta si center LaMarcus Aldridge ng 27 points at 10 rebounds para tulungan ang Spurs na talunin ang Houston Rockets, 96-89.

Nalimitahan si DeMar DeRozan sa season-low na 13 points, ngunit kumalawit ng 11 rebounds para putulin ang dalawang sunod na talo ng San Antonio.

 

vuukle comment

LEBRON JAMES

TYSON CHANDLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with