^

PSN Palaro

Laguna, Batangas nanalasa sa MPBL

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Laguna, Batangas nanalasa sa MPBL
Umiskor si Ralf Olivarez ng 16 puntos na may kasamang walong re­bounds at dalawang assists upang masungkit ng Heroes ang pang-apat na panalo sa walong laro at umangat sa four-way tie mula pang-lima hanggang pang-walong puwesto kasama ang Zamboanga Valientes, Bacoor Strikers at Parañaque Patriots sa Southern Division.

MANILA, Philippines — Tinambakan ng Laguna Heroes ang Basilan Steel, 80-62 habang nakaeskapo naman ang Batangas Athletics laban sa Pasay Voyagers,  60-57 sa pagpapatuloy ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup noong Huwebes  ng gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Umiskor si Ralf Olivarez ng 16 puntos na may kasamang walong re­bounds at dalawang assists upang masungkit ng Heroes ang pang-apat na panalo sa walong laro at umangat sa four-way tie mula pang-lima hanggang pang-walong puwesto kasama ang Zamboanga Valientes, Bacoor Strikers at Parañaque Patriots sa Southern Division.

Bukod kay Olivarez, tumulong din ng 12 puntos, tatlong rebounds at 10 assists si Jai Reyes at 10 naman mula kay Michael Mabulac para sa Laguna.

Dahil sa talo, bumaba sa pang-sampung upuan ang Basilan ni coach Joseph Romarate sa 3-5 card.

Sa ibang laro, umani ng 17 puntos, pitong rebounds at dalawang assists si Tey-tey Teodoro para angkinin ang ikatlong panalo ng Athletics sa walong laro. Si Jhaymo Eguilos ay tumipak din ng 15 puntos at sampung rebounds at 14 naman kay Adrian Santos para sa Batangas.

Ang Voyagers ni coach Cholo Martin ay nakatikim ng kanilang ika-anim na talo sa walong laro at nabaon sa pang-11th na puwesto sa Northern Division.

2018 MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with