^

PSN Palaro

Tigers dinurog ang Classics sa balwarte

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi pinahiya ng Davao Occidental Tigers ang kanilang unang hos­ting sa 2018 Maharlika MPBL  Datu Cup matapos ilampaso ang Valenzuela Classics, 92-85 noong Huwebes ng gabi sa USEP Gymnasium at Cultural Center sa Davao City.

Limang manlalaro ng Tigers ang tumapos sa double digits sa pangunguna ni Billy Robles  sa kanyang 21 puntos na may kasamang 10 rebounds habang si Bonbon Custodio ay umani ng 18 puntos at siyam na assists para.

Tumulong din ng tig-13 puntos sina Leo Najorda, Mark Yee at Mico Estrellante para masungkit ng Davao ang pang-limang panalo sa walong laro.

Lalong naging inspirado ang mga Tigers dahil sa pagdalo ni Davao City Ma­yor Sara Duterte sa u­nang home game ng Davao Occidental upang angkinin ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Sa iba pang laro, nagwagi rin ang Pasig Pirates kontra sa Rizal Heroes  81-78 upang masungkit ang kanilang unang panalo sa pitong laro.

Dahil sa talo, ang Rizal Heroes ay bumaba sa 2-6 win-loss kartada.

vuukle comment

2018 MAHARLIKA MPBL DATU CUP

DAVAO OCCIDENTAL TIGERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with