^

PSN Palaro

Saludar ‘di kinaya ang Japanese pug

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Saludar ‘di kinaya ang Japanese pug
Ito ay matapos pabagsakin ni Japanese Sho Kimura si Saludar via sixth-round knockout victory para ma­panatiling suot ang kanyang World Boxing Organization flyweight crown noong Biyernes ng gabi sa Qingdao Guosen Gymnasium sa Shandong province, China.
File Photo

MANILA, Philippines — Nabigo si Froilan Saludar na masundan ang yapak ng kanyang nakakabatang kapatid bilang bagong Filipino world boxing champion.

Ito ay matapos pabagsakin ni Japanese Sho Kimura si Saludar via sixth-round knockout victory para ma­panatiling suot ang kanyang World Boxing Organization flyweight crown noong Biyernes ng gabi sa Qingdao Guosen Gymnasium sa Shandong province, China.

Hindi nakaporma ang 29-anyos na si Saludar kay Kimura para malasap ang ikatlong kabiguan (28-3-1, 19 KOs) habang pinaganda ng Japanese title-holder ang kanyang record sa (17-1-2, 10 KOs).

Nabalewala ang inilistang five-fight winning streak ng tubong Polomolok, South Cotabato kung saan siya naupo sa No. 4 sa WBO flhyweight rankings.

Ang body shot ni Kimura ang nagpabagsak kay Saludar sa fifth round  habang dalawang beses pinatumba ng Japanese ang Pinoy challenger sa sixth round patungo sa kanyang panalo.

Nauna nang tinalo ng kanyang kapatid na si Vic Saludar (18-3-0, 10 knockouts) si Japanese Ryuya Yamanaka (16-3-0, 5 KOs) via unanimous decision para agawin sa Japanese ang hawak nitong WBO minimumweight belt kamakailan sa Kobe, Japan.

FROILAN SALUDAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with