^

PSN Palaro

Tapales nahubaran ng titulo

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinanggalan ng korona si Marlon “The Nightmare” Tapales matapos nabigong makuha ang tamang timbang sa bantamweight (118-lbs.) division sa official weigh-in para sa kanyang nakatakdang title defense laban kay Shohei Omori ng Japan na ginanap kahapon sa Edion Arena sa Osaka, Japan.

Dalawang beses siyang kinunan ng timbang ngunit bigo pa rin na siyang nagbigay daan para mawala sa kanya ang korona.

Tumimbang si Tapales ng 54.3 kilos (119.75) sa unang pagkakataon at pagkaraan ng isang oras at 45 minutos ay mas tumaas pa sa 54.4 kilos (119.93) ang kanyang timbang sa ikalawang beses.

Binasa ni WBO super­visor Rolando Marcos Hermosa ng Panama ang rules and regulation ng WBO championship sa harap mismo ni Tapales at kanyang manager na si Rex ‘Wakee’ Salud ng Cebu at matchmaker Joe Koizumi, na siyang naging interpreter.

Magpapatuloy ang laban ngayon ngunit kahit manalo pa si Tapales ang titulo sa 118-lbs. division ay magiging bakante pa rin. 

Kung manalo si Omori kay Tapales siya na ang bagong WBO bantamweight champion.

vuukle comment

TAPALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with