Night of Champions VI kasado na sa Marso 17
MANILA, Philippines - Pag-aagawan nina No. 1 Jheritz Chavez at No. 2 Jonel Gadapan ang bakanteng Philippine super lightweight crown sa ‘Night of Champions VI’ sa Marso 17 sa Mall of Asia Music Hall sa Pasay City.
Inaasahang gagawin ni Chavez ng Madrigal Boxing Stable ang lahat para talunin ang tubong Iligan City na si Gadapan para maisuot ang Philippine super lightweight belt.
Sa supporting event ay magtatagpo naman sina Ronnel Esparas ng Elorde Gym at Rosalito Campana ng K2 Boxing Gym sa 147 pounds division, habang magtutuos sina Ronnie Campos ng Elorde Boxing Gym at Robin Dingcong ng Tiger City Boxing Gym sa 118 pounds class.
Ang dalawang laban ay parehong gagawin sa six rounds.
Sa preliminary event ay magkikita sina Boy Donde Pumar ng Elorde Gym at Junjie Lauza ng Rodrigo Boxing table (122lbs); maglalaban sina Kenjie Moneno ng Elorde Gym at Jules Victoriano ng Jun Gandeza Boxing Stable (122lbs); magsusukatan sina Claudeban Seses ng Marty Elorde Boxing Stable at Marcelo Cabusas ng Team Insider Boxing Gym (123lbs) at magsusuntukan sina Brian Ascano ng Johnny Elorde Boxing Gym at Reagan Delos Santos ng Alice Jaro Boxing Stable (123lbs).
Ang nasabing boxing event ay inihahatid ng Elorde International Productions.
- Latest