^

PSN Palaro

Panaga inilusot ang St. Benilde sa San Beda sa Stepladder semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaamo ng nagdedepensang College of Saint Benilde ang San Beda College, 25-22, 25-20-25-15, para umusad sa second phase ng stepladder semifinals kahapon sa NCAA Season 92 women’s volley­ball tournament sa The Are­na sa San Juan City.

Umariba ng husto si Season 91 Finals MVP Jeanette Panaga na huma­taw ng 11 puntos upang pa­munuan ang opensa ng Lady Blazers.

“Hindi namin iniisip ‘yung pressure. Gusto lang naming maglaro dahil gusto naming makabawi at manalo. Pero hindi pa ganoon ka-perfect ‘yung laro namin. Marami pa kaming kulang na dapat i-improve like floor defense and reception,” wika ni Panaga.

Makakasagupa ng St. Benilde ang second seed na Arellano University, may bitbit na ‘twice-to-beat’ ad­van­tage, sa Biyernes sa pa­rehong venue.

Nakaabang na sa Finals ang San Sebastian La­dy Stags na awtomati­kong umabante matapos wa­lisin ang eliminasyon pa­ra makuha ang ‘thrice-to-beat’ advantage.

Sa men’s division, naplantsa ng University of Perpetual Help System Dalta at St. Benilde ang pagtutuos sa Finals matapos payukuin ang kani-kanilang karibal sa Final Four.

Bumangon ang Altas sa dalawang sets na pagka­kalugmok upang itakas ang 18-25, 18-25, 25-20, 25-17, 15-11 panalo laban sa San Beda.

Sumandal ang Perpe­tual Help kay Rey Taneo Jr. na nagpasabog ng 29 puntos mula sa 26 attacks, 2 aces at 1 block, habang umariba rin sina Manuel Do­liente na may 12 puntos at Esmail Kasim na naglista ng 10.

Nakagawa nama ng 55 excellent sets si Relan Taneo, samantalang may 24 receptions at 17 digs si Allan Jay Salaan.

Sa kabilang banda, mas madaling daan ang ti­nahak ng Blazers nang pa­taubin Chiefs sa pamama­gitan ng 27-25, 25-20, 25-14 desisyon.

Nagsanib-puwersa si­na skipper Johnvic De Guzman at Isaah Arda na pa­rehong naglatag ng 15 puntos para sa  Blazers na umiskor ng 11 blocks tampok ang apat mula kay Mark Orian at tatlo galing kat Mark Anthony Deximo.

Sa juniors division, buhay pa ang nagdedepensang Perpetual Help nang pasukuin ang may dalang ‘twice-to-beat’ na Emilio Aguinaldo College, 23-25, 25-19, 25-23, 25-19, upang maipuwersa ang ‘do-or-die’ sa kanilang stepladder semis.

Nanguna si Ivan Encila na kumana ng 18 puntos ka­tuwang sina Marvien Cas­tillo, Paul Solamin at Ryu­ji Condrad Etorma na may pinagsama-samang 39 puntos.

Nakatakda ang rubber match ng Perpetual Help at EAC sa Biyernes kung sa­an ang magwawagi ang haharap sa Lyceum Junior Pirates sa Finals.

JEANETTE PANAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with