Bennett inihulog ng Nets; Clarkson minultahan
NEW YORK — Pinakawalan ng Brooklyn Nets si Anthony Bennett, ang dating No. 1 pick sa NBA draft.
Nakita si Bennett sa 23 laro para sa Nets, ang kanyang ikaapat na koponan matapos hirangin bilang top pick ng Cleveland Cavaliers noong 2013.
Nagtala siya ng mga averaged na 5.0 points at 3.4 rebounds sa loob ng 11.5 minutes per game.
Sa pagbitaw kay Bennett ay may 14 players na lamang ang Nets sa kanilang roster.
Naglaro ang 6-foot-8 forward ng isang season sa Cavaliers bago siya nai-trade sa Minnesota Timberwolves bilang kapalit ni Kevin Love.
Pinakawalan siya ng Timberwolves matapos ang isang taon at lumipat sa Toronto Raptors.
Samantala, pinagmulta si Los Angeles Lakers guard Jordan Clarkson ng $15,000 (halos P740,000) dahil sa pakikipagtulakan kay Miami Heat guard Goran Dragic.
Sinabi ng NBA na pinarusahan si Clarkson “for throwing a forearm above the shoulders to Miami Heat guard Goran Dragic” sa Lakers-Heat game sa Staples Center noong Biyernes.
“I thought it was going to be worse to be honest with you,” wika ng Filipino-American swingman sa kanilang naging tulakan ni Dragic. “But it is what it is. Gotta get past it.”
- Latest