^

PSN Palaro

Pocari kampeon na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pocari kampeon na
Nakipag-selfie kay Alyssa Valdez, wagi ng MVP at 1st Best Outside Spikers ng Customs ang kapwa niya awardees na sina (kaliwa-pakanan) Lileth Ma­bbayad, 2nd Middle Blocker (BOC), Breanna Lee Mackie, Best Foreign Guest Player (Pocari), Michelle Gumabao, Best Opposite Spiker (Pocari), Dennis Lazaro, Best Libero (BaliPure), Marivic Meneses, 1st Best Middle Blocker (UST), Ennaje Laure, 2nd Outside Spiker (UST) at Irish Tonelada, Best Setter (Pocari) sa awarding ceremonies.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines - Mabilis na nasawata ng Pocari Sweat ang ilang pagtatangka ng Bureau of Customs tungo sa 25-14, 25-10, 22-25, 25-23 panalo upang angkinin ang korona ng Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference kagabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Matikas na nasandalan ng Lady Warriors si American open hitter Breanna Lee Mackie kalakip ang matatag na suporta mula kina middle blocker Andrea Kay Kacsits, Myla Pablo, Elaine Kasilag at skipper Michele Gumabao para pigilan ang Transformers.

Naiselyo ng Lady Warriors ang matamis na sweep sa best-of-three championship series kung saan namayani rin ito sa Game 1 sa iskor na 25-22, 25-18, 25-18.

Ito ang ikalawang kampeonato ng Pocari sa liga matapos pagreynahan ang Open Conference.

Nauna rito, muling binuhusan ng BaliPure ng malamig na  25-23, 25-19, 25-11 desisyon ang University of Santo Tomas upang pormal na masikwat ang third place trophy.

Hindi maawat si American Import Katherine Morrell na nagpasabog ng 24 puntos kasama ang 22 attacks habang nagtulong sina Dzi Gervacio at Amy Ahomiro sa pagkolekta ng 16 puntos para hatakin ang  Purest Water Defenders sa panalo.

Tinapos ng BaliPure ang best-of-three battle-for-bronze series tangan ang 2-0 rekord.

Una nang naitala ng Water Defenders ang 19-25, 25-16, 25-18, 25-18 panalo sa Game 1 noong Sabado.

Ito ang ikalawang sunod na bronze medal finish ng BaliPure matapos makuha ang parehong puwesto sa Open Conference.

Sa kabila ng kabiguan, malaking tulong ang kampan­ya ng UST sa liga upang maihanda ito bago sumabak sa UAAP Season 79 volleyball tournament sa Enero.

Samantala, napasakamay ni Bureau of Customs skipper Alyssa Valdez ang ikatlong Conference MVP award.

Nahablot din ni Valdez ang First Best Outside Spiker award habang si Laure ang ginawaran ng Second Best Outside Spiker.

Itinanghal si Denden Lazaro bilang Best Libero samantalang si Pocari Fil-Am playmaker Iris Tonelada ang Best Setter.

Ang iba pang awardees ay sina Ria Meneses ng UST (First Best Middle Blocker), Lilet Mabbayad ng Customs (Second Best Middle Blocker), Pocari skipper Michele Gumabao (Best Opposite Spiker) at Pocari reinforcement Breanna Mackie (Best Foreign Guest Player).

POCARI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with