^

PSN Palaro

Pocari, BaliPure pilit itatakda ang championship series

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Target ng Pocari Sweat at BaliPure na maipormalisa ang kanilang paghaharap sa finals sa pagsambulat ng Game 2 ng kani-kanilang Sha­key’s V-League Sea­son 13 Reinforced Confe­rence best-of-three semifinals series ngayong hapon sa Philsports Arena sa Pa­sig City.

Makakatipan ng Lady Warriors ang University of Santo Tomas sa alas-4 kasunod ang engkuwentro ng Water Defenders at Bureau of Customs sa alas-6 ng gabi.

Parehong nahawakan ng Pocari at BaliPure ang 1-0 bentahe sa kani-ka­nilang serye matapos magtala ng impresibong panalo sa Game 1 noong Sabado.

Mabilis na napaamo ng Lady Warriors ang Tig­resses, 25-16, 25-18, 25-22, sa likod ng magarbong laro ni American import Breanna Lee Mackie na hu­mataw ng 17 attacks at 2 blocks.

Suportado ito nina middle blocker Andrea Kacsits at opposite spiker Michele Gumabao na nagpako ng tig-10 puntos gayundin ni­na dating National Uni­ver­sity standouts Myla Pab­lo at Desiree Dadang  na may pinagsamang 15 puntos.

Ito ang parehong kumbinasyong gagamitin ni Po­cari Sweat mentor Rommel Abella upang makabalik sa finals at makalapit sa ina­asam na ikalawang korona matapos pagreynahan ang Open Conference.

“Sana maipagpatuloy na­min ang magandang la­ro namin sa Game 2. Wala kami masyadong adjustments na kailangang gawin dahil maganda ang reception namin kaya maganda rin ang execution ng plays namin,” wika ni Abella.

Subalit gagawin ng UST ang lahat upang mai­puwersa ang ‘do-or-die’ game partikular na sina Cher­ry Ann Rondina at EJ Laure na kinapitan na ng ‘never-say-die attitude’.

Nagbalik na ang tikas ni Rondina ngunit hirap itong makalusot sa soli­dong depensang inilalatag ng Lady Warriors dahilan upang mag­kasya ito sa 12 puntos na produksiyon.

Bantay-sarado rin si Lau­re na nakagawa lamang ng 8 puntos.

Asahan na ang mas agresibong laro ng Tigres­ses para manatiling buhay ang kanilang pag-asang makapasok sa finals.

Tutulong din sina Pam Las­timosa, Ria Meneses, Shanen Palec at Alex Cabanos.

Ang BaliPure naman ay galing sa 25-19, 25-18, 25-21 panalo sa Customs kung saan bumida si Ka­therine Morrell na may 20 puntos at Kaylee Manns na gumawa ng 47 excellent sets.

POCARI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with