^

PSN Palaro

Milliam at Guillano nagkampeon sa Palawan Pawnshop Pintaflores netfest

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagposte si Alexa Milliam ng dalawang mabibigat na panalo, kasama rito ang come-from-behind win sa girls’ 14-and-under class, para makisosyo kay Drixcyn Guillano sa ta­gumpay sa Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala San Carlos leg regional tennis 2016 sa Sakata Tennis Club sa San Carlos City, Negros Occidental.

Tinalo ng 12-anyos na si Milliam ng La Carlota si Jufe-an Cocoy, 6-4, 6-3, sa 12-U finals at isinunod si Kianna De Asis, 2-6, 7-6(3), 10-5, para sa 14-U crown.

Si Milliam ang hinirang na tanging “double” winner sa Group 2 tournament na itinataguyod ng Palawan Pawnshop at inihahandog ng Slazenger.

Nauna nang binigo ng fourth ranked na si Milliam si top seed Bliss Bayking, 1-6, 6-2, 12-10, sa semis para itakda ang kanilang finals showdown ng third seeded na si De Asis sa week-long top-ran­king event na may basbas ng Philta at suportado ng Asiatraders Corp., ang ex­clusively distributor ng official ball na Slazenger, at ba­hagi ng pagdiriwang ng Pintaflores Festival.

Ginulat din ni Guillano si top seed Khenz Justi­niani, 6-1, 6-3, sa semis ba­go gibain ng Roxas City, Capiz ace si No. 2 Pete Rod­riguez, 6-2, 6-3, para angkinin ang boys’ 12-U title sa event na nilahukan ng record ng 300 entries sa siyam na age group ca­tegories.

“Winning two titles in such a big field speaks well of Milliam’s caliber. And with a number of reversals posted in this top ranking event, the future of Philippine tennis looks bright indeed with so many young talents emerging,” sabi ni Palawan Pawnshop president at CEO Bobby Castro.

Samantala, pinadapa ni top seed Elsie Abarquez ng Carcar, Cebu si Gennifer Pagente ng Cagayan de Oro sa second set patungo sa 6-0, 7-5 panalo sa girls’ 18-U finals.

Nakabawi si Abarquez kay Pagente sa kanyang 5-7, 6-4, 7-10 kabiguan sa 16-U finals.

Pinabagsak naman ni No. 2 Vince Tugade ng Sul­tan Kudarat si top seed Cenon Gonzales, 4-6, 6-2, 10-8, para pitasin ang boys’ title sa event na suporta­do nina San Carlos City Ma­yor Gerardo Valmayor Jr., councilor Criston Carmo­na, dating Rep. Julius Ledesma IV at Vice Gov. Bong Lacson.

ALEXA MILLIAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with