^

PSN Palaro

Jet Spikers makikisalo sa liderato vs Lady Maroons

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pakay ng Philippine Air Force na makisalo sa liderato subalit nakasentro ang atensiyon sa bakbakan ng National University at Bali Pure sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 13 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Air Force at University of the Philippines sa alas-4 ng hapon habang nakatakda ang inaabangang paghaharap ng NU at Bali Pure sa alas-6:30 ng gabi.

Hawak ng Pocari Sweat ang solong liderato tangan ang malinis na 3-0 rekord kung saan huling nabiktima nito ang Laoag Power Smashers sa iskor na 25-21, 25-16, 25-17.

Nasa ikalawa ang Jet Spikers na may tangang 2-0 marka kasunod ang NU, Laoag at Iriga na nakatali sa three-way tie sa ikatlong puwesto bitbit ang pare-parehong 1-1 marka.

Ang Bali Pure at UP naman ay kapwa may 0-1 samantalang ang Baguio ay may 0-2 marka.

Tututok ang spotlight sa NU-Bali Pure match na parehong galing sa ka­biguan.

Hindi pa rin makala­laro sina three-time UAAP MVP Alyssa Valdez at reig­ning NCAA MVP Grethcel Soltones na kasalukuyan pang naglalaro sa ilang exhibition games sa Europa.

Hindi naglaro sina Valdez at Soltones sa kanilang unang pagsalang dahilan upang lumasap ang Bali Pure ng 23-25, 25-14, 19-25, 16-25 kabiguan sa ka­may ng Air Force.

Muling sasandal ang Bali Pure kina playing coach Charo Soriano, middle hitter Amy Ahomiro, opposite spiker Dzi Gervacio, setter Jem Ferrer, open spiker Ella De Jesus at libero Denden Lazaro.

Sa kabilang banda, hangad din ng NU na ma­kabalik sa porma matapos ang masaklap na pagyuko sa Pocari, 32-34, 25-17, 25-23, 17-25, 11-15 noong nakaraang linggo.

Samantala, pupuntir­yahin ng Cignal ang ka­nilang ikatlong  sunod na panalo sa pakikipagtipan sa Navy sa ala-1 ng hapon sa Spikers’ Turf.

BICOLANO

JONATHAN GALON

SM FOUNDATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with