^

PSN Palaro

Baldwin dedesisyunan na ang 13 Gilas players

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiyak na si naturalized player Andray Blatche sa 14 players na hihirangin ni Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin para sa gaga­wing three-week European training.

Ang ihahayag na lamang ni Baldwin ngayong linggo ay kung sino ang 13 pang bubuo sa koponang naghahanda para sa darating na FIBA Olympic Qualifying Tournament sa MOA Arena sa July 5-10.

“We have to cut eventually and coach Tab is to make the decision within the week,” sabi ni Gilas team manager Butch Antonio.

Ang mga panguna­hing kandidato para sa 13 spots ay sina PBA players Calvin Abueva, Japeth Aguilar, Jayson Castro, Jeff Chan, Ranidel de Ocampo, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Gabe Norwood, Marc Pingris, Ryan Reyes, Terrence Romeo, Troy Rosario at LA Tenorio.

Si NBA D-League pla­yer Bobby Ray Parks kasama sina Gilas cadets Kiefer Ravena, Roger Pogoy, Mac Belo, Russell Escoto at Kevin Ferrer ay kasama sa inisyal na 24-man lineup na isinumite sa FIBA.

Sumabay sila sa pakiki­pag-ensayo sa training pool at maaaring maikunsidera ni Baldwin para sa kanilang paglahok sa European meet.

Hindi masiguro ni Antonio kung papangalanan ni Baldwin ang 14 pla­yers bago o matapos ang two-day tune-up ng Gilas laban sa Iran national team bukas at sa Miyerkules.

Ang second session ay isang friendly match sa alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang unang paghaharap ng dalawang koponan matapos payukurin ng Team Phl ang Iran, 87-73, sa elimination-round play ng 2015 FIBA Asia Championship sa Changsha, China.

Nagtapos ang Gilas at Iran bilang No. 2 at No. 3 para makasubi ng tiket sa FIBA OQTs.

Kasama ng Gilas sa Ma­nila OQT ang New Zealand, France, Turkey, Canada at Senegal.

KLM ROYAL DUTCH AIRLINES

PATRICIA CELIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with