^

PSN Palaro

Zamora, Mojdeh; Dula babandera sa PSL sa Tokyo tourney

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinangalanan ng Phi­lippine Swimming League (PSL) ang unang walong atletang ipadadala nito sa 2015 Tokyo Invitational Swimming Championship na gaganapin sa Pebrero 4 hanggang 10 sa Japan.

Nangunguna sa listahan sina Swimmer of the Year candidates Sean Terence Zamora ng University of Santo Tomas, Mi­caela Jasmine Mojdeh ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaque at Marc Bryan Dula ng Weissenheimer Academy.

Kasama rin sa delegas­yon sina Jux Keaton Solita ng UST, Lans Raw­­­lin Donato ng University of the Philippines at Joey del Rosario ng De La Salle Santiago Zobel School gayundin sina Lowenstein Julian Lazaro at John Leo Paul Salibio.

“We might add more swimmers but so far, these are the qualified swimmers who will represent our country in the Japan competition. We are looking forward to win medals to jumpstart our campaign this year,” wika ni PSL President Susan Papa.

Sa 2015 Japan Invitational Swimming Cham­pionship noong Nobyembre, pinangunahan nina Mojdeh at Zamora ang kampanya ng PSL kung saan nag-uwi ang koponan ng kabuuang 19 ginto, 10 pilak at 10 tanso.

Humakot si Mojdeh ng limang ginto at isang pilak habang nakasiguro naman ng dalawang ginto, isang pilak at isang tanso si Zamora para kapwa tanghaling Most Outstan­ding Swimmer awardees sa kani-kanilang age band.

Umani naman si Dula ng isang ginto at apat na pilak na medalya sa 2015 Singapore Invitational Swim­ming Championship noong Setyembre para makuha rin ang Most Outstanding Swimmer trophy sa boys’ 8 year category.

“We are giving these kids proper exposures. High-level ang competitions sa Japan dahil ma­lalakas ang mga kasali. Teams from China, United States, Great Britain, Ne­therlands, Germany and other European countries are expected to be there so we need to be ready,” dagdag ni Papa.

Sasailalim sa training camp ang mga atleta sa Diliman Preparatory School swimming pool sa Quezon City upang masiguro na handang-handa ang mga ito bago sumabak sa Japan competition.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DE LA SALLE SANTIAGO ZOBEL SCHOOL

DILIMAN PREPARATORY SCHOOL

GREAT BRITAIN

IMMACULATE HEART OF MARY COLLEGE-PARA

JAPAN INVITATIONAL SWIMMING CHAM

JASMINE MOJDEH

JOHN LEO PAUL SALIBIO

JUX KEATON SOLITA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with