^

PSN Palaro

Poliquit maraming natutuhan sa Milo Marathon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

ANGELES, PAMPANGA, Philippines – Bagama’t awto­matiko nang kasali sa Na­tio­nal Finals ng 39th Milo Marathon ay sumalang pa rin si Raphael Poliquit sa qualifying leg sa Davao Ci­ty noong Nobyembre 8.

Bago ang naturang qua­­lifying leg ay nangako ang tubong Tagum City na si Poliquit na wawasakin niya ang 01:10:00 time barrier ng 21-Kilometer race.

Ngunit biglang naglaho si Poliquit maski ang kanyang anino sa gitna ng na­sabing ka­­rera.

“Medyo nagkaroon ako ng cramps kaya hindi ko na­tapos ‘yung qualifying leg sa Davao,” pag-amin ng 26-anyos na miyembro ng Philippine Air Force.

Ang kawalan ng impormasyon kaugnay sa ruta ng Davao leg ang isa sa mga dahilan ng pagkatalo ni Poliquit.

“Hindi ko talaga mas­yadong napag-aralan ‘yung ruta kaya sa tingin ko kasama na iyon sa na­ging factor ng cramps ko,” ani Poliquit.

Dahil sa pagkawala sa karera ni Poliquit ay inangkin ni Sonny Wagdos ang 21K Davao leg sa ikalawang sunod na pag­kakataon sa kanyang oras na 01:15:25.

“Naging lesson din para sa akin ‘yung huwag mag-underestimate ng ruta at sa mga kalaban,” ani Poliquit.

Tunay nga itong isinaisip ni Poliquit.

Ito ang kanyang ginamit para pagharian ang Na­­tional Finals ng 38th Milo Marathon dito noong na­karaang Linggo.

Nagposte si Poliquit ng bilis na 02:36:12 bilis pa­ra muling angkinin ang korona sa ikalawang sunod na taon.

“Palagi kong iniisip na ang lahat ng paghihirap mo ay mayroong magandang patutunguhan,” ani Poliquit, iniidolo si five-time National Finals champion Eduardo Buenavista. “Kung palagi kang nagte-training at nagdadasal sa Panginoon ay may magandang mangya­yari sa buhay mo.”

Dahil sa kanyang pagi­ging Milo Marathon King ay mabibigyan si Poliquit ng pag­kakataong makalahok sa Boston Marathon sa susunod na taon.

“Hindi ko ine-expect na makakakuha ako ng ma­gandang puwesto sa Bos­ton Marathon dahil mas ma­taas ang level nun, pero gagawin ko ang lahat para sa sarili ko at bilang kinata­wan ng bansa natin,” wika ni Poliquit, ayaw matawag na ‘Poliquit Pulikat’.

ACIRC

ANG

BOSTON MARATHON

DAHIL

DAVAO

DAVAO CI

EDUARDO BUENAVISTA

MILO MARATHON

MILO MARATHON KING

POLIQUIT

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with