James pumirma ng lifetime deal sa Nike
LOS ANGELES – Pinirmahan ni Cleveland Cavaliers’ superstar LeBron James ang isang lifetime deal sa US sporting goods giant na Nike.
Ito na ang sinasabing pinakamalaking single athlete deal sa kasaysayan ng kumpanya.
“We can confirm that we have agreed to a lifetime relationship with LeBron that provides significant value to our business, brand and shareholders,” sabi ng Nike.
“We have already built a strong LeBron business over the past 12 years, and we see the potential for this to continue to grow throughout his playing career and beyond.”
Hindi ibinunyag ng Nike ang kontrata ni James ngunit sinabi ng isang source na ito ay higit sa $300 milyon na halaga ng 10-year deal kay Oklahoma City Thunder forward Kevin Durant.
Matagal na nagsama ang Nike at si NBA great Michael Jordan ngunit wala itong inihayag na lifetime deal .
Bumenta ang Air Jordan brand ng Nike sa higit sa $2.2 bilyon simula noong 1985.
Naglabas ang Nike, pinalagda si James sa seven-year $90 million deal noong 2003, ng 13 bersyon ng signature shoe ng Cavaliers superstar at ang annual sales ay inaasahang lalampas sa $400 milyon para sa 2015.
Ayon sa Forbes.com, si James ang sixth highest earning athlete sa mundo sa kanyang annual earnings na $64.8 milyon.
Samantala sa Toronto, umiskor si Kyle Lowry ng 27 points at nagdagdag si Terrence Ross ng 22 markers, habang kumolekta si Bismack Biyombo ng career-high 15 points at 13 rebounds para tapusin ng Raptors ang kanilang three-game skid sa 102-93 panalo laban sa Los Angeles Lakers.
Sa kanyang pinakahuling NBA appearance sa Canada ay nagtala si Kobe Bryant ng 8-of-16 fieldgoals shooting at tumapos na may 21 points.
Sa Minneapolis, kumolekta si DeAndre Jordan ng 20 points, 12 rebounds at 4 blocks para igiya ang Los Angeles Clippers sa 110-106 panalo kontra sa Minnesota Timberwolves.
- Latest