Gin Kings tinakasan ang Elite via double OT
MANILA, Philippines – Humakot si seven-foot center Greg Slaughter ng game-high na 35 points at 15 rebounds.
Ngunit ang mahahalagang puntos ay nanggaling kina veteran guard LA Tenorio at No. 5 overall pick Scottie Thompson.
Nagsalpak sina Tenorio at Thompson ng dalawang magkasunod na three-pointer para tulungan ang Barangay GInebra na talunin ang Blackwater via double overtime, 102-94, at sikwatin ang pang-limang quarterfinals seat sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Angeles University Foundation Arena sa Angeles City, Pampanga.
Ito ang pang-limang panalo (5-4) ng Gin Kings sa ilalim ng nagdedepensang San Miguel Beermen (7-1), Alaska Aces (7-1), Rain or Shine (6-1), Globalport Batang Pier (5-3) at Talk ‘N Text Tropang Texters (4-3).
Nalasap naman ng Elite ang kanilang pang-limang dikit na kamalasan (1-7).
Ipinoste ng Ginebra ang 10-point lead, 75-65, sa 7:15 minuto ng fourth quarter, habang tumipa si Reil Cervantes ng 12 points para idikit ang Blackwater sa 80-82.
Nagkaroon ng tsansa ang Elite na agawin ang panalo kundi lamang naimintis ni 6’8 Jason Ballesteros ang kanyang dalawang free throws sa natitirang 4.6 segundo na nagdala sa laro sa unang overtime, 84-84.
Ang basket ni Jerrick Cañada ang nagtabla sa Blackwater sa 92-92 patungo sa second overtime.
- Latest