NCAA women’s volleyball: Arellano sisimulan ang depensa
MANILA, Philippines – Sisimulan ng reigning champion Arellano University ang pagdepensa sa kanilang titulo sa pagsisimula ng National Collegiate Athletic Association Season 91 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Unang haharapin ng Arellano ang Colegio de San Juan de Letran sa alas-10 ng umaga habang magtutuos naman sa unang laro sa alas-9 ang Emilio Aguinaldo Lady Generals at San Beda Lionesses.
“Hopefully, we could have a successful title repeat,” ani Arellano coach Obet Javier.
Sa pamumuno nina CJ Rosario at Menchie Tubiera, pinatumba ng Arellano ang San Sebastian College-Recoletos sa iskor na 25-23, 25-19, 26-24 para maibulsa ang kanilang unang titulo sa liga noong nakaraang taon.
Magtutuos din sa unang araw ng kumpetisyon ang University of Perpetual Help at San Sebastian, Lyceum of the Philippines University at Mapua Institute of Technology at College of Saint Benilde at Jose Rizal University.
Uumpisahan naman ng defending titlist Emilio Aguinaldo College ang kanilang kampanya sa pakikipagtipan sa San Beda dakong alas-8 ng umaga bukas (Martes).
Dinala ni Howard Mojica ang General sa 25-21, 23-25, 25-19, 25-20 panalo laban sa St. Benilde Blazers para matamis na angkinin ang korona sa Season 90.
- Latest