Philippine Mavericks ibabandera si Roger-Vasselin sa IPTL
MANILA, Philippines – Ipaparada ng Philippine Mavericks si French Open doubles champion Edouard Roger-Vasselin bilang kapalit ni Jo-Wilfried Tsonga na tumangging maglaro para sa darating na International Premier Tennis League (IPTL).
Si Tsonga ng Switzerland ay may personal commitment, ayon kay IPTL Manila leg project lead Clementine Apacible na dumalo kahapon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.
“Roger-Vasselin is a great doubles player. We’re excited to have him,” wika ni Apacible para sa Manila leg na nakatakda sa Dec. 6- 8 sa world-class MOA Arena.
Ang 31-anyos na si Roger-Vasselin, isang Frenchman, ay naglaro na sa mga pinakamalala-king tennis tournaments at noong 2014 ay nakamit niya ang French Open men’s doubles katuwang si Julien Benneteau.
Sasagupain ng Mavericks, pamumunuan ni world No. 1 Serena Williams, ang UAE Royals na nagkampeon sa unang edisyon ng IPTL.
Maglalaro rin para sa Mavericks sina Fil-American Treat Huey, Mark Philippoussis, Richard Gasquet, Jarmila Gajdosova, Borna Coric at Sabine Lisicki.
Mapapanood din si Spanish clay-court king Rafael Nadal na babandera sa Indian Aces.
Maliban sa Philippine Mavericks at Indian Aces, makikipag-agawan din para sa $1 million top prize ang Singapore Slammer, UAE Royals at Japanese Warriors.
- Latest