Team Kramer lalahok sa Tempra’s Family Run vs Dengue
MANILA, Philippines – Makakasalamuha ng mga magpapatala sa 2015 Run Against Dengue Family Run ang Team Kramer sa Nobyembre 14 sa Quirino Grandstand.
Ang PBA player na si Doug Kramer at artistang si Cheska Garcia at mga anak na sina Kendra, Scarlett at Gavin ang bagong endorsers ng Tempra ay makikiisa sa non-competitive run sa mga distansyang 5k, 3k, 2k Family Run (kombinasyon ng magulang at anak) at 1k Kids run.
Patuloy ang pagtanggap ng mga gustong tumakbo sa SM Manila Toby’s branch at sa Rizal Park Administration Office. Puwede ring tumawag sa Subterranean Ideas sa landline na 504-5990 o sa 09179790803 (Globe) at 09282618028 (Smart).
Sumusuporta sa patakbong ito ang Philippine Charity Sweepstakes Office, Bonamine, Tempracof, Deuter, Toby’s, Medicard, Guard Insect Repellent, Goldlife, Maynilad, Emilio Aguinaldo College, Colegio De La Immaculada Concepcion (Concordia) at Malaya Business Insight bilang media partner
Hangad ng patakbo ang maipakita na epektibong pamamaraan ang magandang pagtutulungan ng mga kinauukulan at sports para maihatid ang mensahe patungkol sa masamang epekto ng dengue at kung paano susugpuin ito.
- Latest





















