^

PSN Palaro

Bedans vs Letran sa NCAA finals

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinakda ng San Beda Red Lions at Letran Knights ang pagtutuos para sa kampeonato sa 91st NCAA men’s basketball title nang magsipanalo laban sa mga katunggali sa Final Four kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ibinagsak ni Amiel Soberano ang dalawang dikit na triples sa 13-2 palitan bago natapos ang ikatlong yugto para makuha ang momentum tungo sa 78-68 panalo.

Bago ito ay lamang pa ng lima ang Heavy Bom­bers, 43-48, at hindi na sila nakabawi pa dahil nanalasa rin sina Ranbill Tongco, Javee Mocon at Piere Tan­koua para ipasok ang Red Lions sa ika-10 sunod na paglalaro sa Finals.

“This is our biggest game so far and our bench delivered,” pagmamalaki ni San Beda first year coach Jamike Jarin.

Sina Roldan Sara, Tankoua, Soberano at Tongco ay nagsanib sa 43 puntos mula sa bench para sa 47-35 bench points advantage.

Nagpakita ng tibay ang Knights para pagpahi­ngahin na ang host school Mapua Cardinals, 91-90 sa unang laro.

Hindi man nakapuntos sa unang yugto, si Mark Cruz ay tumapos pa rin taglay ang nangungunang 24 puntos. Ang kanyang split sa free throw line sa huling .5 segundo ang nagbigay sa Knights 91-87 kalamangan na tumabon sa 3-pointer ni CJ Isit sa endgame para sa isang puntos na panalo ng Letran.

Balikatan ang labanan at nakitaan ito ng pitong tabla na ang huli ay sa 81-all.

Ngunit si Kevin Racal ay mayroong lima sa kanyang 19 puntos sa 9-4 palitan para sa 90-85 bentahe sa huling 31.3 segundo.

“Naabot namin ito dahil sa pagtitiwala sa sistema at ginamit na motivation ang pagdududa ng iba sa kakayahan ng team,” wika ng baguhang coach ng Knights na si Aldin Ayo.

May dalawang araw lamang ang preparasyon ng magkabilang koponan dahil sa Biyernes na sisi­mulan ang best-of-three finals sa Mall of Asia Arena.

Letran 91 – Cruz 24, Racal 19, Sollano 16, Nambatac 12, Quinto 10, Calvo 4, Apreku 3, Luib 3, Balanza 0, Publico 0.

Mapua 90 – Biteng 17, Nimes 15, Menina 15, Isit 11, Oraeme 10, Serrano 10, Nieles 10, Brana 2, Aguirre 0.

Quarterscores: 21-17; 45-42; 67-70; 91-90

San Beda 78 – Amer 11, Sara 11, Soberano 10, Tankoua 10, Mocon 8, Solera 7, Adeogun 5, dela Cruz 5, Tongco 4, Koga 3, Reyes 2, Presbiterio 2, Cabanag 0, Bonsubre 0, Sedillo 0.

Jose Rizal 68 – Balagtas 14, Poutouochi 12, Teodoro 9, dela Paz 8, Estrella 8, Astilla 6, Pontejos 6, Abdul Wahab 2, Lasquety 2, Sanchez 0.

Quarterscores: 17-19; 30-32; 56-53; 78-68.

vuukle comment

ABDUL WAHAB

ACIRC

ALDIN AYO

AMIEL SOBERANO

ANG

CRUZ

FINAL FOUR

HEAVY BOM

MALL OF ASIA ARENA

SAN BEDA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with