^

PSN Palaro

Tigers makikisosyo sa unahan

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kasalukuyang sinosolo ng University of Sto. Tomas ang ikalawang puwesto sa ilalim ng nangungunang Far Eastern University.

“Hindi kami makukuntento kung ano’ng meron kami, gusto naming higitan pa iyon,” sabi ni UST coach Bong Dela Cruz.

Hangad makisosyo sa li­derato, sasagupain ng Ti­gers ang mainit ding La Salle Green Archers nga­yong alas-4 ng hapon sa 78th UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tangan ng FEU ang 5-1 record kasunod ang UST (4-1), Ateneo (3-2), La Salle (3-2), nagdedepensang National University (3-3), University of the Phi­lippines (2-3), University of the East (2-3) at Adamson University (0-6).

Nanggaling ang Tigers sa 68-58 paggiba sa Blue Eagles kung saan sila na­ka­bangon mula sa 16-point deficit.

Sa naturang tagumpay ay umiskor si UST star Ke­vin Ferrer ng career-high na 27 points sa kabila ng pag­­kakaroon ng lagnat.

Umiskor naman ang Green Archers ng mga pa­­nalo kontra sa Falcons at Red Warriors para makatabla ang Blue Eagles sa ikatlong puwesto.

Samantala, pipilitin naman ng Ateneo na maka­bawi mula sa nasabing ka­biguan sa UST sa pagsa­gupa sa bumubulusok na UP sa alas-2 ng hapon.

Ikinadismaya ni coach Bo Perasol ang ginawang 6 points ng Blue Eagles sa fourth quarter.

Hangad ng Figh­ting Ma­roons na makatayo bu­hat sa tatlong sunod na ka­malasan matapos ang 2-0 start.

 

ACIRC

ADAMSON UNIVERSITY

ANG

ATENEO

BLUE EAGLES

BO PERASOL

BONG DELA CRUZ

FAR EASTERN UNIVERSITY

GREEN ARCHERS

HANGAD

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with