^

PSN Palaro

Lucky 9

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Maganda ang naging resulta ng SWS survey para sa mga gustong tumakbo ng pagka-senador sa May 2016 elections.

Nasa Magic 12 sina Tito Sotto, Ping Lacson, Ralph Recto, Frank Drilon at Bongbong Marcos--mga batikan sa larangan ng pulitika.

Pumasok din sina Kiko Pangilinan, Leila de Lima and Migs Zubiri. Hindi kagulat-gulat dahil sa kanilang mga mataas na katayuan sa gobyerno.

Pero sa No. 9 spot ay dun marami ang natuwa.

Si Manny Pacquiao, ang ating Pambansang Kamao, ang umokupa ng pang-siyam na posisyon sa pinakahuling survey ng Social Weather Station.

Ayon sa survey, kung ginanap ang eleksiyon itong buwan na ito ay pasok si Pacquiao sa Magic 12.

Nasa likod ng ating boxing champion ay sina Ric­hard Gordon, isa pa ring subok at matatag na opisyal, Serge Osmeña at ang batang si Mark Villar.

Dahil sa survey na ito, napatunayan na naniniwala ang tao na kayang gampanan ni Pacquiao ang role bilang Senador. May experience na rin naman siya bilang Congressman.

Ilang beses ko na rin nasaksihan ang kabaitan ni Pacquiao sa mga kababayan natin.

Nung isang Linggo lang ay nakita ni Pacman ang isang grupo ng babae na nagtitinda ng sampaguita sa ilalim ng tulay sa Quezon City.

Agad siyang nakihalubilo. Maya-maya ay bumu­bunot na ng pera. Isang libo bawat isa sa mga pumila sa kanya. Marami-rami rin ang naipamigay.

Lubos ang tulong niya sa mga mahihirap kahit na nung panahon na hindi pa naman niya kailangan ang boto ng tao.

Maging sa GenSan o sa Quezon City ay wala siyang pinipili.

Sana nga ay magtuluy-tuloy ang tiwala ng tao kay Pacquiao para sa 2016 elections dahil hindi sila mapapahiya.

Tunay siyang People’s Champion.

ACIRC

ANG

BONGBONG MARCOS

KIKO PANGILINAN

LIMA AND MIGS ZUBIRI

MARK VILLAR

NASA MAGIC

PACQUIAO

PAMBANSANG KAMAO

PING LACSON

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with