^

PSN Palaro

Hontiveros lumabas ang pagiging beterano

Pilipino Star Ngayon

CHANGSHA--Bilang team captain, ipinakita ni Dondon Hontiveros ang kanyang pagbandera sa panalo ng Gilas Pilipinas laban sa Hong Kong.

Nagsalpak ang Cebuano hotshot ng back-to-back triples para sa ratsada ng Nationals sa second quarter patungo sa kanilang 101-50 paglampaso sa dating Bri­tish colony.

Bago pa man ang panalo sa Hong Kong ay si Hontiveros ang nagpalakas ng loob ng Gilas matapos ang 73-75 kabiguan sa Pa­lestine noong Miyerkules.

Si Hontiveros ay itinala­gang team captain nang mag-almusal ang Nationals kamakalawa.

“Yes, somehow it’s special especially as this could well be my last tournament (as a national player),” sabi ni Hontiveros, ang ikala­wang pinakamatandang player sa koponan sa edad na 38-anyos.

 “It feels good because it means you’re trusted when you’re given a responsibility. It’s also an opportunity for me to still grow at my age,” wika ni Hontiveros.

Ayon kay Hontiveros, pumalit kay Jimmy Alapag, ito ang unang pagkakataon na hinirang siyang team captain.

“I never recall a time that I was a team captain. That’s why this is special,” ani Hontiveros.

ACIRC

ANG

AYON

BILANG

BRI

DONDON HONTIVEROS

GILAS PILIPINAS

HONG KONG

HONTIVEROS

JIMMY ALAPAG

SI HONTIVEROS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with