^

PSN Palaro

Si Manny ang nagdedesisyon sa gusto niyang kalaban--Arum

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kung may boksingero mang papangalanan si Manny Pacquiao para sa susunod niyang laban sa 2016, ito ay kanya lamang sariling desisyon.

Sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na hindi siya ang pumipili sa mga nilalabanan ng Filipino world eight-division champion sa ibabaw ng boxing ring.

“Anyone who says it’s my decision is crazy. It’s all Manny’s decision,” wika ni Arum sa 36-anyos na si Pacquiao (57-6-2, 38 KOs) na nagmula sa unanimous decision loss kay Floyd Mayweather Jr. (49-0-0, 26 KOs) noong Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Matapos ang limang araw ay sumailalim sa surgery ang 36-anyos na Filipino boxing superstar para sa kanyang right shoulder injury at inaasahang muling lalaban sa Abril ng 2016.

Ilan sa mga pangalang binanggit ni Arum na posibleng labanan ni ‘Pacman’ ay sina Amir Khan (31-3-0, 19 KOs), Kell Brook (36-0-0, 24 KOs), Terence Crawford (26-0-0, 18 KOs), Lucas Matthysse (37-3-0, 34 KOs) at Juan Manuel Marquez (56-7-1, 40 KOs).

Mas gusto naman ni chief trainer Freddie Roach na labanan ni Pacquiao si Danny Garcia (31-0-0, 18 KOs).

Sinabi ni Arum na kinukunsulta rin ng Sarangani Congressman si Roach, isang Hall of Fame trainer, para sa kanyang gustong labanan.

“Manny, and I guess after consulting with Freddie, will pick the opponent that they want to fight,” wika ni Arum.

Nakatakdang idepensa ni Brook ang kanyang IBF welterweight title laban kay Diego Chaves sa Oktubre, habang itataya ni Crawford ang kanyang WBO belt kontra kay Dierry Jean at makakatapat ni Matthysse si Victor Postol para sa bakanteng WBC crown.

Nauna nang sinabi ni Pacquiao na gusto muna niyang pagalingin ang kanyang kanang balikat bago muling mag-ensayo para sa kanyang laban sa susunod na taon.

ACIRC

AMIR KHAN

BOB ARUM

DANNY GARCIA

DIEGO CHAVES

DIERRY JEAN

FLOYD MAYWEATHER JR.

FREDDIE ROACH

HALL OF FAME

KOS

PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
22 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with