^

PSN Palaro

FEU Tamaraws palaban sa kampeonato--Racela

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malaki ang tiwala ni FEU Tamaraws coach Nash Racela na matibay ang laban ng kanyang koponan para sa kampeonato sa 78th UAAP men’s basketball na magsisimula na sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Siyam na beterano, sa pangunguna nina Mike Tolomia at Mark Belo, ang babalik para sikapin na bigyan  ng kampeonato si Racela sa kanyang ikatlong taon sa liga.

“In a way, solid ang team dahil ang core ay mga bete­rano. Nawala sina Anthony Hargrove at Bryan Cruz na mga starters namin pero may bago kaming Nigerian import si Prince Orizu na isang 6’8 and hopefully ay makatulong siya sa defense at rebounding,” pahayag ni Racela.

Ang FEU ay isa sa mga pinangalanan bilang paboritong koponan ng mga coaches sa pulong pambalitaan kahapon sa isang kilalang restaurant sa Cubao, Quezon City.

Ang nagdedepensang kampeon National University Bulldogs ay isa ring paborito habang ang isang ko­ponan na hindi puwedeng biruin ngayon ay ang host UP Maroons ayon mismo sa kanilang rookie coach na si Rensy Bajar.

Hindi na makakasama ng Bulldogs ang 6’7 na si Troy Rosario pero naririyan pa rin ang masipag na import na si Alfred Aroga.

Matipid ang mga pahayag hinggil sa ekspektasyon mula kina Bo Perasol ng Ateneo Eagles at Juno Sauler ng La Salle Archers dahil maraming bago sa kanila ha­bang ang mga coaches ng UST Tigers, Adamson Falcons at UE Red Warriors ay nangakong gagawin ang lahat para makapanilat.

Pero si Bajar ay walang takot na ginarantiya na makakaya nilang pumasok sa Final Four matapos ang ilang taong kabiguan.

Sinasandalan ni Bajar ang magandang ipinakita ng Maroons sa sinalihang liga, kasama ang overseas trip sa Taiwan na kung saan nanalo sila ng tatlo sa apat na kinalaban.

“Definitely ay malalagpasan namin ang performance last year and we are eyeing a Final Four finish,” wika ni Bajar na isang batikang point guard noong naglalaro pa.

Makikilatis ang lakas ng UP sa pagharap sa UE sa unang laro sa Sabado. (AT)

vuukle comment

ACIRC

ADAMSON FALCONS

ALFRED AROGA

ANG

ANTHONY HARGROVE

ATENEO EAGLES

BAJAR

BO PERASOL

BRYAN CRUZ

FINAL FOUR

JUNO SAULER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with