^

PSN Palaro

Eagles dinagit ang 7-0 sweep

Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas (The Arena, San Juan City)

1 p.m.  La Salle vs EAC

3 p.m.  UP vs NCBA

MANILA, Philippines – Kinumpleto ng Ateneo Eagles ang magandang ipinakikita sa Spikers’ Turf Collegiate Conference quarterfinals sa  25-16, 25-20, 25-17  panalo sa Natio­nal University Bulldogs kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Tig-isang manlalaro lamang sa Eagles at Bulldogs ang nasa double-digits ngunit nakitaan ng mas magandang pagtutulungan ang Ateneo para kunin ang 7-0 sweep sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

Si Marck Espejo ay mayroong 12 attack points habang walong iba pa ang pumuntos. Si Rex Intal ay mayroong 7 kills para bigyan ang Eagles ng 37-29 bentahe sa attacks habang sina Anthony Paul Koyfman at Joshua Vilanueva ay may tig-dalawang aces para sa 6-3 kalamangan.

Tumapos ang NU sa ikalawang puwesto sa 6-1 karta at si Bryan Bagunas ay mayroong 14 puntos mula sa 13 kills at isang block.

May 28 errors pa ang Bulldogs na makakatapat ang papangatlong koponan sa pagtatapos ng yugto sa best-of-three semifinals.

Binigyan ng St. Benilde ng magandang pagtatapos ang pamamaalam sa liga sa kinuhang 17-25,25-22, 14-25, 25-23, 17-15 panalo laban sa FEU sa unang laro.

Nagpakawala ng 21 kills, 4 blocks at 3 aces si Johnvic De Guzman para sa 28 puntos ngunit sa huli ay sina Racmade Etrone at Mark Jethro Orian ang mga kumana ng hu­ling dalawang puntos para wakasan ng NCAA runner-up sa 2014 ang kampanya sa 2-5 baraha.

Ibinigay ni Etrone ang match point sa Blazers mula sa off-the-block spike bago ibinigay ni Orian ang panalo sa  isang quick play.

Dikitan ang fifth set at hinawakan ng Blazers ang double match point,14-12 sa kill ni De Guzman.

Ngunit magkasunod na block ang ginawa ng Tamaraws kina De Guzman at Orian para sa tatlong sunod na puntos tungo sa 15-14 bentahe.

May 24 puntos si Greg Dolor para pangunahan ang apat na Tamaraws na nasa double-digits pero kinapos ang koponan para wakasan ang kampanya sa 1-6 baraha. (AT)

ACIRC

ANG

ANTHONY PAUL KOYFMAN

ATENEO EAGLES

BRYAN BAGUNAS

DE GUZMAN

GREG DOLOR

HOME ULTERA

PARA

SAN JUAN CITY

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with