^

PSN Palaro

Gilas babawian ang Chinese Taipei

Joey Villar, Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

TAIPEI – Muling magbabalik ang alaala ng Gilas Pilipinas sa pagsagupa sa Chinese Taipei A para sa kanilang kampanya sa 2015 Jones Cup International Basketball Tournament dito sa Xinchuang Gymnasium.

Lalabanan ng Nationals ang Taiwanese ngayong alas-7 ng gabi.

Natalo ang Gilas sa Taipei sa kanilang unang paghaharap sa FIBA Asia Championship noong 2013 sa MOA Arena saPasay City.

Ito rin halos ang Chinese Taipei na gumawa ng ingay sa nasabing Manila meet na tinampukan ng kanilang paggitla sa China sa quarterfinal round.

Habang isinusulat ito ay wala pang desisyon si Gilas coach Tab Baldwin kung sinong 12 players ang kanyang ihaharap sa home team na pangungunahan ni natura­lized player Quincy Davis.

Sinabi ng Gilas bench chieftain na dapat nang kalimutan ang kabiguan ng Nationals sa Taiwanese noong 2013 FIBA Asia meet.

“To me, history doesn’t mean anything as a coach. I know it means a lot to the players and we have to draw the positives out of it when we can. If it helps motivate the players, fine,” wika ni Baldwin. “But it’s about the team getting better. To me, Chinese Taipei doesn’t mean anything. They will mean something in the FIBA Asia.”

Sa ala-1 ng hapon ay maghaharap naman ang South Korea at Spartak Primorye kasunod ang bakbakan ng Iran at Chinese Taipei B sa alas-3 at ang labanan ng Japan at USA Select-Overtake sa alas-5.

Tinalo naman ng Iran, nagkampeon sa apat sa hu­ling anim na Jones Cup competitions, ang South Korea, 77-46, sa pagbubukas ng torneo kahapon.

Binigo naman ng Wellington Saints ng New Zealand ang Chinese Taipei B, 102-85.

ACIRC

ANG

ASIA CHAMPIONSHIP

CHINESE TAIPEI

CHINESE TAIPEI A

CHINESE TAIPEI B

GILAS PILIPINAS

JONES CUP

JONES CUP INTERNATIONAL BASKETBALL TOURNAMENT

NEW ZEALAND

SOUTH KOREA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with