^

PSN Palaro

Azkals tatapatan ang lakas ng Uzbeks

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung magiging mata­gum­pay ang ginagawang kampanya ng Philippine Azkals sa 2018 World Cup Qualifier ay kasabay nito ang pagsibol pa ng football sa bansa.

Ito ang sinabi ni Dan Pa­lami, team manager ng Azkals na siyang nagpa­simula sa pagbuo ng Az­kals para bumalik ang interes ng tao sa numero unong sport sa mundo.

“We help the sport by winning,” wika ni Palami. “The more popular football gets, the more kids play the sport.  More players mean more support for the sport and hopefully, the national team.”

Sa Setyembre 8 ay mag­­lalaro uli ang Azkals sa Philippine Stadium sa Bocaue, Bulacan at kalaban nila ang matibay ding Uzbekistan na kung saan hanap ng home team ang ikatlong sunod na panalo para manatiling matibay ang hangaring umabante sa third round.

Tinalo na ng Azkals ang Bahrain (2-1) at Yemen (2-0) ngunit masasabing ang laban sa Uzbekistan ang simula ng tunay na pag­subok sa Nationals.

Galing sa talo ang Uzbekistan sa North Korea, 2-4, kaya’t tiyak na nakatuon ang dayuhang koponan na bumangon nang makabalik sa kompetisyon.

“We still think they are the strongest team in the group. We need all the support we can get, we have to protect our homfield,” ani pa ni Palami.

Para mapaghandaan ang laban ay magkaroon ng tune-up game laban sa Maldives sa Setyembre 3 sa Rizal Memorial Football stadium.

Nasa 23 manlalaro ang tinapik para sa Uzbe­kistan at sa galing ng mga manlalaro at suporta ng manonood ay may tsansang magpatuloy ang magandang ipinakikita ng Azkals sa Qualifiers.

ACIRC

ANG

AZKALS

DAN PA

NORTH KOREA

PALAMI

PHILIPPINE AZKALS

PHILIPPINE STADIUM

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL

SHY

UZBEKISTAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with