^

PSN Palaro

Matinding hatawan sa PSL beach volley finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Labanan ng dalawang manlalaro na tiningala sa Visayas sa galing sa beach volley ang maglalaban sa PLDT Home Ultera Phi­lippine SuperLiga Beach Volleyball Challenge Cup 2015 na handog ng Smart Live More bukas sa Sands By The Bay sa SM Mall of Asia.

Si Fiola Ceballos ng Foton Tornadoes at Danica Gendrauli ng Gilligan’s ang magsusukatan dahil ang kanilang mga koponan ang pumasok sa women’s beach volley finals.

Ang laro ay ipapalabas ng live sa TV5 at tiyak na dudumugin ito dahil sa ga­ling ng dalawang magtatagisan.

Si Ceballos ay isang 20 anyos na kinilala rin bilang kampeon sa unang edisyon ng Queen of the Sands.

Makakasama niya si Patty Orendain ng Bacolod sa hangaring kilalanin bilang kauna-unahang kampeon sa ligang inorganisa ng Sports Vision.

Hindi pahuhuli si Gendrauli na bigatin mula South­western University at maipaghiganti ang pagkatalo kay Ceballos noong 2012 at 2013 ang isa niyang  motibasyon sa tagisan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEACH VOLLEYBALL CHALLENGE CUP

DANICA GENDRAULI

FOTON TORNADOES

HOME ULTERA PHI

MALL OF ASIA

PATTY ORENDAIN

QUEEN OF THE SANDS

SANDS BY THE BAY

SI CEBALLOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with