^

PSN Palaro

Knights dumiretso sa pang-pitong panalo

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakahanap ng solusyon ang Letran Knights sa ha­mong hatid ng Lyceum Pi­rates para iuwi ang 83-78 panalo at manatiling walang talo sa 91st NCAA men’s basketball kagabi sa The Are­na sa San Juan City.

Bumalik si Mark Cruz sa huling yugto at ang kanyang nakumpletong 3-point play ang nagbigay sa Knights ng 71-65 bentahe.

Si Cruz ay napahinga sa ikalawa at ikatlong yugto matapos masiko sa ilong ilang segundo bago matapos ang first period.

Pisikal ang laro at uma­bot sa walo ang technical o flagrant foul para sa kabu­uang 54 fouls.

May kabuuanng 67 free throws ang ibinigay sa da­lawang koponan at ang Knights ay kumolekta ng 21 puntos sa 34 tangka.

Si Kevin Racal at Rey Nam­batac ay nagtala ng tig-19 puntos, habang si Jomari Sollano ay may 11 puntos para sa 7-0 record ng Knights.

Nagtala ng career-high na 22 puntos at 12 rebounds si Cameroonian Jean Nguidjol para sa Pirates (1-6) na ininda ang pagkawala ni Joseph Gabayni bunga ng disqualifying foul nang si­kuhin sa ulo si Nambatac sa ikatlong yugto.

Bumalik naman ang sig­la ng St. Benilde Blazers (2-5) matapos kunin ang 88-66 pa­nalo kontra sa San Sebastian Stags (1-6) sa unang laro.

ACIRC

ANG

BUMALIK

CAMEROONIAN JEAN NGUIDJOL

JOMARI SOLLANO

JOSEPH GABAYNI

LETRAN KNIGHTS

LYCEUM PI

MARK CRUZ

REY NAM

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with