^

PSN Palaro

Zamora babandera sa PSL sa Singapore invitational

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

SINGAPORE -- Sisimulan ng multi-titled swimmer na si Sean Terence Zamora ang kampanya ng Philippine Swimming League (PSL) sa paghakot ng gintong medalya sa pagsisimula ng 2015 Singapore Invitational Swimming Championship ngayon sa Singapore Island Country Club (SICC) dito.

Lalangoy ang Male Swimmer of the Year na si Za­mora sa boys’ 14-15 50-meter backstroke at puntirya niyang lunurin ang record ni Joseph Schooling ng host country na nagwagi ng maraming gintong medalya sa nakaraang 28th Southeast Asian Games noong Hunyo.

“Tinutukan namin nang husto si Zamora at naniniwala kaming makakaya niyang makapagtala ng bagong record,” pahayag ni PSL President Susan Papa.

Bukod kay Zamora sasandalan rin ng PSL ang tat­long swimmers na beterano rin ng malalaking kompe­tis­yon na sina Marc Bryan Dula, Jasmine Mojdeh at Au­­brey Tom na inaasahang makakapag-deliver rin ng ginto sa delegasyon ng PSL.

Lalangoy ang gold medalist sa Royal Bangkok Swim­ming Championship na si Dula sa boys’ 8-9 200m freestye, habang ang Most Outstanding Swimmer ng Indian Ocean All Stars Challenge na si Mojdeh ay ka­kam­panya at ang Phuket Swim meet multi-gold medalist na si Tom ay sasabak sa girls’ 8-9 200m freestyle.

“The kids are all excited and ready to show their wares,” wika pa ni  Papa. “Hindi sila natatakot na harapin ang mas malalaking kalaban mabigyan lamang ng ka­rangalan ang Pilipinas.”

Ang iba pang sasalang sa aksyon ay sina Charize Es­mero, Andrea Ybanez, Danica Alba, Jenny Ong at Judi Sgotier sa girls’ 12-13 200m freestyle gayundin sina Martin Jacob Pupos at Aron Romey sa boys’ 16-17 200m freestyle at sina Ferdinand Ian Trinidad at Marcus Faytaren sa boys’ 14-15 200m freestyle.

Ang iba pang pagkukunan ng ginto ng PSL ay  sina PSA Milo Junior Athlete of the Year Kyla Soquilon, Isis Arnaldo, Hannah Nicole Ataza, Tricia Princillo at Maxine Dalmacio sa girls’ 10-11 50m backstroke, habang lala­ngoy sa girls’ 12-13 50m backstroke sina Esmero, Aalia Jaire Espejo, Sofia Estrada at Riandrea Chico.

Sina Jason Mirabueno (boys’ 16-17 50m backstroke), Joey Del Rosario at Lee Grant Cabral (boys’ 8-9 50m backstroke), Janelle Blanch at Samantha Lachica (girls’ 8-9 50m backstroke) at Mark Marajucom, Edward Prin­cillo, Edgard Roberto, Vincent Samaniego at Jine De­ligero (boys’ 12-13 200m freestyle) ang iba pang lalaban.

Puntirya  ng delegasyon na mapanatili sa Pilipinas sa ikatlong sunod na taon ang overall title ng kompetisyon.

AALIA JAIRE ESPEJO

ACIRC

ANDREA YBANEZ

ANG

ARON ROMEY

BOYS

CHARIZE ES

DANICA ALBA

EDGARD ROBERTO

EDWARD PRIN

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
23 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with