^

PSN Palaro

Raterta tumatakbo para makatulong sa mga bata

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi lamang para sa kanyang pamilya tumatakbo si Luisa Raterta, kundi para rin sa mga batang kan­­yang tinuturuan at tinutulungan.

Lubos ang kasiyahan ng 33-anyos na si Raterta nang mapanalunan ang Manila qualifying leg ng 39th Milo Marathon noong Linggo sa Mall of Asia grounds sa Pasay City.

Hindi dahil sa personal na kapakinabangan sa premyong P50,000.

“Malaking tulong ito para sa mga batang ti­nutu­ruan kong mag-mara­thon,” nangi­ngislap ang mga ma­tang wika ng tubong Sta. Rosa, Laguna. “Ma­ibibili ko na sila ng sapatos kung sakali.”

Kasabay ng pagpapaganda ng kanyang perso­nal time ay ginagabayan din ni Raterta ang oras ng mga batang gusto siyang sun­dan sa larangan ng ma­rathon.

“Maganda kasi ‘yung ha­bang bata pa sila tine-train mo na sila at gina-guide mo na sila para maitanim sa kanila ‘yung right attitude,” sabi ni Raterta.

“Gusto ko rin silang ma­i­­iwas sa mga masasamang bisyo kaya talagang binubuhusan ko sila ng pa­nahon,” dagdag pa ni Ra­terta, may tatlong anak at may tatlong tricycle na pa­masada.

Nakikita na ngayon ni Raterta ang bunga ng kanyang pagtuturo sa kanyang 13-anyos na anak na si Leo­nalyn na pumangatlo sa women’s 5K.

“Lumaban siya sa 2015 Palarong Pambansa, ngayon nag-third siya sa 5K,” pagmamalaki ni Raterta kay Leonalyn. “Masarap ‘yung feeling na nananalo ‘yung anak mo.”

Tiniyak ni Raterta, da­ting miyembro ng national duathlon team, na hangga’t ka­ya pa niyang tumakbo ay patuloy siyang sasali sa Milo Marathon.

Samantala, hindi naman naitago sa mukha ni singer/actress Karylle ang kasiyahan nang matapos niya ang sinalihang karera.

“There was a group of students who stayed with me towards the end of the race. I was already a bit tired, but they waited for me to catch up and encou­raged me to go on,” sabi ni ni Karylle.

“The energy and support from everyone is the best,” dagdag pa nito.

Matapos ang Manila leg ay dadalhin naman ng Mi­lo Marathon ang mga qua­­lifying legs sa Calapan (Agosto 2), Lipa (Agosto 9), Naga (Agosto 16), Luce­na (Agosto 30), Iloilo (Setyembre 20), Bacolod (Setyembre 27), Tagbilaran (Oktubre 4), Cebu (Oktubre 11), General Santos (Oktubre 18), Davao (Nobyembre 8), Butuan (Nobyembre 15) at Cagayan De Oro (Nob­yembre 22).

ACIRC

AGOSTO

ANG

CAGAYAN DE ORO

GENERAL SANTOS

KARYLLE

LUISA RATERTA

MILO MARATHON

OKTUBRE

RATERTA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with