^

PSN Palaro

Hapee nakatikim na ng panalo

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Lunes JCSGO Gym

1 p.m.  Jumbo Plastic vs Kera Mix

3p.m. Cafe France vs Cagayan Valley

MANILA, Philippines – Lumabas ang inaasahang laro mula kina Troy Rosario at Earl Scottie Thompson para tulungan ang Hapee Fresh Fighters sa 74-50 panalo laban sa ATC Liver Marin sa PBA D-League Foundations’ Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Ang 6’6  na si Rosario na siyang pangunahing sentro ng koponan matapos ang pagkawala ni Ola Adeogun, ay gumawa ng 20 puntos sa 10-of-15 shooting, bukod pa ang siyam na rebounds, siya rin ang kumana ng ng 16 puntos sa first half para ilayo na ang Hapee sa 36-25.

Si Thompson na siyang nagbida sa Game Two sa Aspirants’ Cup finals, ay may all-around game na 11 puntos, 11 rebounds at anim na assists habang sina Chris Newsome at baguhang si Mark Romero ay tumapos ng tig-11 puntos.

Ito ang ikatlong sunod na pagkatalo ng Liver Marin at wala ni-isang manlalaro sa koponan ang tumapos sa double digits.

Naisalpak naman ni Jay-R Taganas ang jumper sa huling 2.2 segundo para bitbitin ang AMA University Titans sa 76-74 panalo laban sa kinapos na Tanduay Light Rhum Masters sa unang laro.

May nangungunang 17 puntos at 11 rebounds ang masipag na si Taganas at siya ang binigyan ng inbound pass ni Jarelan Tampus tungo sa winning play.

vuukle comment

ANG

CAFE FRANCE

CAGAYAN VALLEY

CHRIS NEWSOME

D-LEAGUE FOUNDATIONS

EARL SCOTTIE THOMPSON

GAME TWO

HAPEE FRESH FIGHTERS

JARELAN TAMPUS

JAY-R TAGANAS

LIVER MARIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with