^

PSN Palaro

Beermen, Energy iiwas malagay sa alanganin

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)

4:15 p.m. Barako Bull vs NLEX

7 p.m. Globalport vs San Miguel

MANILA, Philippines – Mula sa 0-3 panimula ay ang NLEX ngayon ang pinakamainit na koponan sa 2015 PBA Commissioner’s Cup.

Sumasakay sa ka­ni­lang five-game winning streak, sasagupain ng Road  Warriors ang Barako Bull E­nergy ngayong alas-4:15 ng hapon kasunod ang banggaan ng San Miguel at Globalport sa alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Dahil nakamit na ng No. 1 Rain or Shine at No. 2 Talk ‘N Text ang dalawang ‘twice-to-beat’ incentive at napasakamay ng nagde­dependang Purefoods ang No. 3 spot, ang pag-angkin na lamang sa No. 4 seat sa quarterfinals ang pupuntiryahin ng NLEX.

Sa tournament format, lalabanan ng No. 1 at No. 2 teams, hahawak ng ‘twice-to-beat’ advantage, ang  No. 8 at No. 7 ayon sa pagkakasunod, habang magsasagupa sa magkahiwalay na best-of-three series ang No. 3 laban sa No. 6 at ang No. 4  kontra sa No. 5.

Huling naging biktima ng Road Warriors ang Kia Carnival, 102-86, noong Marso 18 tampok ang 33 points ni import Al Thornton at 20 markers ni guard Jonas Villanueva.

“We need to stay focu­sed. If we start making excuses, we lose,” sabi ni 6-foot-9 veteran Asi Taulava, nagdagdag ng 10 points sa naturang panalo ng NLEX.

Hangad din ng Barako Bull na makamit ang kanilang pang-limang panalo para makapasok sa eight-team quarterfinals cast.

“Right now, we need to shoot more from the outside and be better with our outside shots. Kung wala kaming outside shoo­ting, the defense will clamp down low on (Solomon) Alabi,” sabi ni coach Koy Banal sa kanyang Energy.

Kumpara sa NLEX, binuksan ng Barako Bull ang kanilang kampanya mula sa malinis na 3-0 baraha.

Sa ikalawang laro, pipilitin ng Beermen, ang nagkampeon sa nakaraang PBA Philippine Cup, na makasilip ng tsansa sa quarterfinals sa pagsagupa sa Batang Pier.

vuukle comment

AL THORNTON

ASI TAULAVA

BARAKO BULL

BARAKO BULL E

BATANG PIER

GLOBALPORT

JONAS VILLANUEVA

SAN MIGUEL

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with