Popovich dismayado sa pagkatalo Spurs ginulantang ng Knicks sa OT
NEW YORK – Dismayado si head coach Gregg Popovich sa inilaro ng kanyang San Antonio Spurs.
“We didn’t respect the game,” sabi ni Popovich. “We didn’t respect our opponent. It was a pathetic performance, and I hope every player is embarrassed. Not because we’re supposed to win the game, quote unquote, but it’s about how you play the game.”
Mas maganda ang inilaro ng worst team ng NBA laban sa defending champions, at sinorpresa ng Knicks ang Spurs sa overtime, 104-100.
Umiskor si Alexey Shved ng 21 points at gumawa ng krusyal na defensive play sa overtime para sa panalo ng Knicks, ang unang koponan sa NBA history na pumasok sa laro ngayong season na may winning percentage na mababa sa .200 para talunin ang Spurs.
Nagtala naman si rookie Langston Galloway ng career-high 22 points para sa Knicks, nilimita ang Spurs sa isang basket sa overtime.
Tumapos si Lou Amundson na may 12 points at career-high 17 rebounds katapat si Tim Duncan ng San Antonio.
Nagtala si guard Tony Parker ng 21 points sa panig ng Spurs at siyang tumipa ng nag-iisa nilang basket sa OT sa huling 16 segundo.
Tinapik ni Shved ang pasa ni Duncan para kay Kawhi Leonard kung saan naghahangad ang Spurs na makatabla bago niya isalpak ang dalawang free throws para ilayo ang Knicks.
Nagposte si Duncan ng 17 points at 8 rebounds, habang umiskor si Leonard ng 13 points.
Sa iba pang laro, tinalo ng Detroit ang Memphis, 105-95; giniba ngHouston ang Orlando, 107-94; tinakasan ng New Orleans ang Milwaukee, 85-84; at pinatumba ng Los Angeles Clippers ang Charlotte Hornets, 99-92.
- Latest