^

PSN Palaro

KeraMix masusubukan ang tikas vs Warriors PBA D-League didribol ngayon

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Ynares Sports Arena, Pasig City)

1 p.m. AMA University vs Liver Marin-San Sebastian

3 p.m.  KeraMix vs MP Hotel

MANILA, Philippines – Ipaparada ng KeraMix ang pinalakas na koponan sa pagsukat sa nagpatibay ding MP Hotel sa pagsisi­mula ngayon ng PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang Mixers ay dating nakilala bilang Racal Motors at agad na namaalam sa Aspirants’ Cup matapos ang mahinang 3-8 baraha.

“We’re definitely a better team now,” wika ni coach Caloy Garcia na humugot ng limang mahuhusay na manlalaro para pagtibayin ang kanilang puwersa.

Ang national training pool member na si Jiovanni Jalalon bukod pa kina Roberto Bartolo Jr., Luis Sinco, Billy Robles at Jach Ni­chols ay isinama ngayon sa mga datihang inaasahan sa pamumuno nina Ford Ruaya, Jamil Gabawan at Keith Agovida upang mas lumalim ang koponan.

“Lumakas kami sa guard at wing positions at kailangan namin ito dahil magiging running team kami.  Mas nagkaroon din kami ng longer preparation so we’re confident with our chances,” dagdag ni Garcia.

Ang larong ito ay magsisimula dakong alas-3 ng hapon at hindi rin nagpahuli ang MP Hotel dahil nakipagsanib-puwersa sila sa Letran Knights sa hangaring magandang pagtatapos.

Sina Mark Cruz at Rey Nambatac ay makakatuwang sina Jopher Custodio at Rene Pacquiao sa nasabing koponan.

“Tingnan natin. It will be a tight game but I really want to win,” pahayag ni Garcia na dating coach ng Letran sa NCAA.

Unang magsusukatan ay ang AMA University Titans at baguhang koponan Liver Marin-San Sebastian sa ganap na ala-1 ng hapon.

Sina Dexter Maiquez, Joseph Terso at Marcy Arellano ay nasa Titans na ngunit tiyak na mapapalaban ang beteranong koponan sa Liver Marin na ipaparada ang siyam na Stags players at didiskartehan ng rookie coach Rodney Santos.

vuukle comment

ANG MIXERS

BILLY ROBLES

CALOY GARCIA

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

FORD RUAYA

GARCIA

LIVER MARIN-SAN SEBASTIAN

PASIG CITY

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with