^

PSN Palaro

James, Cavs hiniya ng Hawks sa balwarte

Pilipino Star Ngayon

ATLANTA – Umiskor si Al Horford ng 19 points at nagsalpak si Kyle Korver ng dalawang mahalagang 3-pointers sa fourth quarter para igiya ang Hawks sa 106-97 panalo laban sa Cleveland Cavaliers.

Si LeBron James at ang Cavaliers ang paboritong magdomina sa Eas­tern Conference, ngunit ang Hawks (49-12) ang kasalukuyang nangu­nguna sa standings.

Ito ang pang-anim na sunod na panalo ng Atlanta at nakamit nila ang kanilang ika-42 tagumpay sa huling 48 laro.

Naging inspirasyon ang pagkilala kay Hall of Famer at dating Hawks star Dominique Wilkins, ipinakita ng Atlanta ang kanilang balanseng atake para talunin ang Cleveland.

Sa Houston, nagtala si James Harden ng 38 points, 12 rebounds at 12 assists para sa kanyang ikatlong triple-double sa season at inihatid ang Rockets sa 103-93 panalo laban sa Detroit Pistons.

Tinapos ng Houston ang kanilang two-game losing skid.

Sa Indianapolis, nag­lista si Solomon Hill ng 16 points at nagdagdag si Ian Mahinmi ng season-high 14 points sa 98-84 paggupo ng Pacers sa Chicago Bulls.

Sa Memphis, humakot si Zach Randolph ng 24 points at 13 rebounds, habang kumolekta si Marc Gasol ng siyam sa kanyang 18 points sa fourth quarter para tulungan ang Grizzlies sa 97-90 panalo laban sa Los Angeles La­kers.

Sa San Antonio, humataw si Kawhi Leonard ng 25 points at may 24 si Tony Parker para ibigay sa Spurs ang 120-111 panalo laban sa Denver Nuggets.

vuukle comment

AL HORFORD

CHICAGO BULLS

CLEVELAND CAVALIERS

DENVER NUGGETS

DETROIT PISTONS

DOMINIQUE WILKINS

HALL OF FAMER

IAN MAHINMI

JAMES HARDEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with