^

PSN Palaro

Humirit ng ‘rubber’ sa Lady Spikers Lady Bulldogs kumakahol pa

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Sabado (MOA Arena, Pasay City)

2 p.m. NU vs Ateneo

(Men’s finals)

4 p.m.  La Salle vs NU (Women’s step-ladder semis)

MANILA, Philippines – Sinandalan ng National University Lady Bulldogs ang magandang pagtutu­lungan para hiritan ang La Salle Lady Spikers ng 25-20, 25-20, 25-19, straight sets panalo sa ikalawang yugto ng 77th UAAP wo­men’s volleyball step-ladder semifinals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

May 13 puntos si Jaja Santiago pero hindi lang siya ang nagtrabaho dahil nakakuha siya ng suporta kina Myla Pablo, Jorelle Singh, Rizza Mandapat at Desiree Dadang para manatiling buhay ang ha­nga­ring makapasok sa Finals.

“In two months time ay nagawa nila ang gusto kong ipagawa sa kanila. Sana magtuluy-tuloy ito para everybody happy,” wika ni coach Roger Gorayeb na pumasok sa koponan noong hawak nila ang 2-3 baraha.

Sina Pablo at Singh ay may 13 at 11 hits at sila ay gumawa ng 11 at 10 kills para bigyan ang NU ng 40-32 bentahe sa attack points.

Ipinakita rin ng koponan ang husay sa blocking at sina Dadang at Santiago ay may lima at tatlong blocks tungo sa 11-9 kalamangan habang si Dadang ay may dalawang service aces pa para bigyan ang Lady Bulldogs ng 5-4 kalamangan sa serve.

Tila ininda naman ng La Salle ang mahabang pahinga dahil tumapos sila sa ikalawang puwesto sa elimination round.

Sina Ara Galang at Cyd Demecillo ay may 14 at 10 hits pero tila nangapa si Mika Reyes na may walong puntos lamang.

Hindi naramdaman ang presensya ni Reyes sa depensa dahil sina Galang at Kim Fajardo ang nanguna rito sa tig-dalawang blocks.

Magtutuos uli ang dalawang koponan sa Sabado para malaman kung sino ang makakalaban ng nagdedepensang kampeon Ateneo Lady Eagles.

Samantala, nanaig ang Ateneo Eagles sa two-time defending champion NU Bulldogs, 25-19, 30-28,  20-25, 25-22, para lumapit sa isang panalo tungo sa pag­hablot sa men’s title.

Sumandig ang Eagles sa tikas ni Marck Espejo na gumawa ng season-high 31 puntos tampok dito ang 28 kills, dalawang aces at walong  digs.

Kailangan na lang ng Ka­tipunan-based Spikers na manalo sa Sabado para maiukit ang unang titulo sa men’s volleyball.

“Napakaconsistent iyang si Marck sa loob, pag nagkakamali ng isa, may balik agad, so that’s the character of a true MVP. He doesn’t give up offensively and defensively,” pahayag ni Eagles coach coach Oliver Almadra.

ATENEO EAGLES

ATENEO LADY EAGLES

CYD DEMECILLO

DADANG

DESIREE DADANG

JAJA SANTIAGO

LA SALLE

PARA

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with