^

PSN Palaro

Barnachea atras sa pagreretiro

Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines – Plano na ni Santy Barnachea ng Navy Standard Insurance na magretiro matapos ang taong ito.

Subalit makaraang magkampeon sa ikala­wang pagkakataon sa ka-tatapos na Ronda Pilipinas 2015 na inihandog ng LBC ay nagbago ang kanyang isip.

“Bago mag-Ronda sinabi ko na talaga sa mga parents (Santiago at Virginia) ko na magre-retire na ako after this,” sabi ni Barnachea, inangkin ang overall crown at ang premyong P1 milyon ng pinakamalaki at pinakamayamang cycling event sa bansa.

“Siguro magdedepensa muna ako ng title ko next year saka ako magre-retire,” dagdag ng tubong Umingan, Pangasinan.

Si Barnachea ang ta­nging two-time champion ngayon ng Ronda Pilipinas matapos maghari sa inaugural noong 2011.

Nauna nang nanalo si Barnachea sa Tour of Calabarzon noong 2002 at sa Padyak Pinoy noong 2006.

Nakamit ni Barnachea ang korona ng Ronda Pilipinas 2015 nang hindi nakakakuha ng stage na nangyari rin noong 2011.

“Sa totoo lang, inisip ko lang na makakapasok ako sa top five kasi maraming mga batang magagaling kagaya nina (Mark) Galedo at (Ronald) Oranza,” ani Barnachea.

Sinabi ng siklista na iba­bahagi niya ang kanyang premyo sa mga miyembro ng Navy-Standard Insu­rance.

Bukod kay Barnachea, lima pang Navy riders ang nakapasok sa top 10 overall. Ito ay sina No. 3 Jan Paul Morales, No. 4 Oranza, No. 5 Lloyd Lu­cien Rey­nante at No. 10 El Joshua Carino.

BARNACHEA

EL JOSHUA CARINO

JAN PAUL MORALES

LLOYD LU

NAVY STANDARD INSURANCE

NAVY-STANDARD INSU

ORANZA

PADYAK PINOY

RONDA PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with