^

PSN Palaro

Eto na!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Sabi nga ni Michael Buffer, “Let’s get ready to rumble.”

Talagang let’s get ready to rumble dahil sa wakas ay matutuloy na rin ang labanang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather.

Matapos ang mahabang hintayan, naikasa na ang laban para sa May 2 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Si Mayweather mismo ang nag-announce kaha­pon.

Pumirma na raw siya.

Marami ang nagsabing takot si Mayweather kay Pacquiao at isa na tayo rito.

Pero eto at pumayag siyang labanan si Pacquiao.

Perfect  timing lang daw ang kanyang hinintay para pumayag.

Sa Martes ay 38th birthday ni Mayweather.  Matan­da na rin at siguro ay naisip niya na eto na nga ang panahon.

Parehong nag-issue ng statement si Pacquiao at Mayweather na happy daw sila para sa fans.

Siguradong happy din sila para sa sarili nila dahil ito na ang pinakamalaking boxing match sa buong ka­saysayan ng sport.

Hindi  liliit sa $120 million ang kikitain ni Mayweather sa laban at para kay Pacquiao naman ay mahigit ku­mulang $80 million.

Ibang klaseng laban ito.

History ng boxing ang pinag-uusapan natin dito.

Magaling si Mayweather. Eksperto sa depensa at malinis magpatama.

Magaling din si Pacquiao. Mabilis at malakas at wa­lang humpay sumuntok.

Mapuruhan lang si Mayweather siguradong maya­yanig ito.

Tiwala akong kaya ni Pacquiao si Mayweather.

Nakausap natin si Bob Arum sa telepono kahapon ng umaga at pinangako niya na tatalunin ni Pacquiao si Mayweather.

Ganyan din ang feeling ko.

I can feel it.

BOB ARUM

FLOYD MAYWEATHER

LAS VEGAS

MAGALING

MAYWEATHER

PACQUIAO

SA MARTES

SI MAYWEATHER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with