^

PSN Palaro

Text-text

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Maikling mga text messages mula sa Amerika at mula sa mga taong malapit kay Manny Pacquiao ang natanggap natin nung isang araw.

Tungkol ito sa laban nila Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Humupa kasi ang excitement na naganap nang magkita ang dalawang boxers sa Miami kamakailan.

Akala ng lahat, matutuloy na ang laban matapos silang mag-usap ng masinsinan sa hotel room ni Pac­quiao.

Ang balita tuloy ngayon ay sinadya talagang kausa­pin ni Mayweather si Pacquiao at ang adviser nito na si Mike Koncz na manahimik muna.

Marami kasing nasabi ang kampo ni Pacquiao nung mga nakaraang araw – na napirmahan na raw nila ang kontrata at tanging si Mayweather na lang ang hinihintay.

Ang katotohanan ay wala pa palang kontrata na nailatag sa mesa. Hindi ito nagustuhan ni Mayweather dahil lumalabas sa mata ng publiko na siya ang may ayaw sa laban.

Sa meeting nilang dalawa, nilinaw ni Mayweather na gusto niyang labanan si Pacquiao.

Pero hindi kasi ako magugulat kung biglang mag-announce si Mayweather na si Amir Khan ang lalabanan niya sa May 2 sa Las Vegas.

At pag nangyari yan, magkukumahog naman si Pacquiao humanap ng kalaban niya sa May 30.

Natural, mas papayag si Khan labanan si Mayweather. Baka mas malaki ang kitain niya rito.

Patuloy ang negosas­yon kaya naman uma­asa pa ang mga boxing fans na Pacquioa vs Maywea­ther nga ang magaganap sa May 2.

Tinawagan natin si Bob Arum pero hindi niya sinagot ang telepono. Sa halip ay nag-text siya sa atin ng “working hard to close.”

Nag-text din pala si Mike Koncz, ang adviser ni Pacquiao, at nagsabing, “nothing new.”

Ibig sabihin ay patuloy pa rin ang negosasyon.

Abang-abang lang.

ABANG

AMIR KHAN

BOB ARUM

FLOYD MAYWEATHER JR.

LAS VEGAS

MAYWEATHER

MIKE KONCZ

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with