^

PSN Palaro

Mahigpit ang labanan sa Ronda Visayas leg

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May 50 slots sa elite at apat sa junior riders ang paglalabanan sa tatlong yugtong Visayas Qualifying leg ng 2015 Ronda Pilipinas na handog ng LBC.

Idinagdag pa ni Ronda administration director Jack Yabut na may 30 elite at apat na junior riders ang paglalabanan sa Luzon qua­lifying (Pebrero 16 at 17) para makabuo ng mga panlabang siklista sa Championship round na isang 8-stage competition mula Pebrero 22 hanggang 27.

Mangunguna sa mga magtatangka sa individual title at P1 milyong premyo ang nagdedepensang kam­­peon na si Reimon Lapaza ng Butuan at ang siyam-kataong  national cycling team sa pangunguna ni Mark Galedo.

Kasali rin ang isang com­­posite European team para patingkarin ang ta­gi­san. Ang mga dayuhan ay puwedeng manalo sa bawat stage pero hindi sila kasali sa overall individual race.

Ginawang tatlong araw ang  Visayas qualifying da­hil kinansela ang Minda­nao qualifying dahil sa seguri­dad.

“We will ferry aspi­ring Mindanao riders with their bikes from Dipolog to Dumaguete for free,” wika ni Ronda Pilipinas Executive Director Moe Chulani.

Sisimulan ang Visayas elimination sa pamamagitan ng Negros Oriental hanggang Sipalay City na Stage One. Susundan ito ng karera sa Bacolod City-Bacolod City habang ang ikatlo at huling stage ay Negros Occidental hanggang Cadiz City.

Halagang P1,000.00 ang entry fee ng mga sasali pero kasama na rito ang isang gabing pananatili sa hotel at pagkain sa karera.

Maisasagawa ang Ronda Pilipinas dahil sa tu­long ng MVP Sports Foun­dation, Maynilad, NLEX, Standard Insu­rance, Petron, Greedfield City at Radio1 Solutions at ito ay may basbas ng PhilCycling.

BACOLOD CITY-BACOLOD CITY

CADIZ CITY

GREEDFIELD CITY

JACK YABUT

MARK GALEDO

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS ORIENTAL

RONDA PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with