Ronda Pilipinas nagdagdag ng leg sa Visaya
MANILA, Philippines - Dinagdagan ng isang araw ang dapat ay dalawang araw na Visayas qualifying leg para sa 2015 Ronda Pilipinas na handog ng LBC.
Sa Pebrero 10 magsisimula ang qualifying leg sa pamamagitan ng Dumaguete hanggang Sipalay na isang 172.7-km karera. Susundan ito ng Bacolod-Bacolod stage (157.8km) sa Pebrero 11 bago wakasan ang yugto sa 120-km Negros Occidental hanggang Cadiz na karera.
Kinailangan na dagdagan ang karera sa Visayas para mabigyan ng pagkakataon ang mga siklista mula Mindanao na makasali sa Championship round ng Ronda na may basbas ng PhilCycling at suportado pa ng MVP Sports Foundation, Maynilad, NLEX, Standard Insurance, Petron, Greenfield City at Radio1 Solutions.
Ayon kay Ronda Pilipinas Executive Project Director Moe Chulani, ang mga siklista mula Mindanao ay bibigyan ng libreng sakay sa ferry mula Dipolog hanggang Dumaguete para makasali sa karera.
“We will increase the number of slots in the Visayas leg to give riders from Mindanao greater chances of making it to the Championship round,” ani Chulani.
Sinabi naman ni Jack Yabut, ang administration director ng karera, na ang entry fee ay nasa P3,000 pero kasama na rito ang hotel accommodation.
- Latest