23rd Asian TBC malamya ang simula ng Pinoy bowlers
MANILA, Philippines – Bigo ang women’s National bowling team na makapasok sa unang tatlong puwesto sa singles division sa 23rd Asian Tenpin Bowling Championships noong Linggo sa Blu-O Rhythm & Bowl Ratchayotin sa Bangkok, Thailand.
Si Krizziah Tabora ang siyang lumabas na may pinakamataas na pagtatapos sa Pambansang koponan nang malagay sa ika-20th puwesto bitbit ang 1254 pins matapos ang anim na laro sa Squad B.
Si Liza Clutario ay may 1247 pins para malagay sa ika-21st puwesto sa grupong pinangunahan ni Misaki Mukotani ng Japan sa 1417.
Ang nagkampeon ay si Mirai Ishimoto ng Japan sa 1445 habang ang bronze medal ay napunta kay Jane Sin Li ng Malaysia sa 1415.
Bago ito ay naunang yumuko ang men’s team at si Benshir Layoso ang may pinakamagandang ipinakita sa 1311 pins para sa 24th puwesto sa 125 manlalaro na sumali.
Si Yusuke Yamamoto ng Japan ang siyang kumuha ng ginto bitbit ang 1401 pins.
Magsisikap na bumawi ang Pilipinas sa iba pang events na Doubles, Trios, Team, All Events at Masters.
Kailangan ng national bowlers na kuminang sa kompetisyong ito dahil hindi na nakakapaghatid ng gintong medalya ang nasabing sport.
Dahil dito, inalis na ang bowling sa listahan ng priority sports ng Philippine Sports Commission (PSC).
- Latest