^

PSN Palaro

Tabal back-2-back champion ng MILO Marathon National Finals Poliquit tinalo ang kanyang ‘maestro’

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matagal na niyang hinahangaan si marathon legend Eduardo ‘Vertek’ Buenavista.

Kaya naman isang na­pakalaking karangalan para kay Rafael Poliquit na talunin ang kanyang iniidolo, lalo na sa 38th MILO Marathon National Finals.

“Nakakagulat kasi hindi ko talaga inaasahang mananalo ako sa idol ko,” sabi ng 25-anyos na si Poli­quit, nagsumite ng tiyempo na dalawang oras, 32 minuto at 26 segundo sa men’s 42.195-kilometer race para hirangin bilang MILO Marathon King kahapon sa SM Mall of Asia Grounds sa Pasay City.

Marahil ay nakatulong din sa panalo ni Poliquit ang pagkakaroon ng foot injury ng 36-anyos na si Buenavista, ang five-time MILO Marathon King at two-time Olympic Games campaigner.

“Ang sabi niya sa akin may problema siya sa paa kaya hindi ganoon kaganda ang performance niya. Saludo pa rin ako sa kanya kasi kahit masakit ang paa niya talagang tinapos niya ang race at nakipaglaban nang husto hanggang sa huli,” ani Poliquit sa tubong Sto. Niño, South Cotabato.

Pumangalawa ang 4-foot-10 na si Buenavista sa kanyang tiyempong 02:34:17 kasunod si Erinio Raquin (02:35:48).

Ito ang kauna-unahang panalo ni Poliquit, naglaro para sa varsity athletics team ng Far Eastern University noong 2010 hanggang 2013

Ang nasabing panalo ang nagbigay kay Poliquit ng premyong P150,000 na kanyang gagamitin bilang panggatos ng kanyang pamilya at patuloy na pagte-training para sa inaa­sahang pagbabalik niya sa national team na lalahok sa 2015 Southeast Asian Games sa Singapore.

Hinirang naman si Mary Joy Tabal bilang back-to-back MILO Marathon Queen nang muling magreyna sa women’s division sa kanyang bilis na 02:51:52.

Bagama’t napanatili niyang suot ang korona ay hindi pa rin nakuntento ang 25-anyos na si Tabal sa kanyang itinakbo.

“Hindi talaga ako satisfied sa oras ko kasi nag-e-expect ako na makukuha ko yung oras na between 02:25:00 to 03:00:00,” wika ni Tabal, ibinulsa ang prem­yong P250,000.

Inamin ni Tabal na nag-iba rin ang kanyang kondis­yon nang makansela ang National Finals noong Dis­yembre 7 dahil sa bagyong ‘Ruby’.

“Nagbago rin ‘yung kondisyon ng katawan ko kasi supposedly last December 7 ang National Finals pero  na-cancel dahil sa bagyo. Two weeks before December 7 kasi talagang buhos na ako sa training, then suddenly nagbago ‘yung date,” wika ni Tabal.

Samantala, inihayag ni MILO executive Andrew Neri na ihahanap nila ng international event sina Poli­quit at Tabal matapos silang mabigong makapagpadala ng dalawang pangalan sa deadline noong Oktubre para sa 2015 Tokyo Marathon.

Isa sa mga posibleng lahukan nina Poliquit at Tabal, ayon kay Neri, ay ang Los Angeles Marathon sa Marso ng 2015.

Sa iba pang event, nagkampeon sa men’s 5k run si Christopher Ulboc sa kanyang inirehistrong 00:15:59 kasunod sina Gilbert Rutaquio (00:16:22) at Glenard Villareal (00:16:21), habang nanalo sa women’s 5K si Mary Anne Crishelle Perez sa oras niyang 00:19:17 sa itaas nina Leonalyn Raterta (00:20:10) at Janel Silvoza (00:21:35).

Nanalo naman sa men’s 3K si Nodrick Cuyom (00:10:49) nang ungusan sina Joshua Magallanes (00:11:35) at Cezar Lapeña (00:11:44) at tinalo ni Tara Borlain (00:10:33) sina Lovely Joy Cardovilla (00:11:45) at Keith Ashlee Facinal (00:12:52) sa women’s division.

vuukle comment

ANDREW NERI

BUENAVISTA

CEZAR LAPE

KANYANG

MARATHON KING

NATIONAL FINALS

POLIQUIT

TABAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with