Pacman malaki ang tsansang manalo kay Mayweather
MANILA, Philippines - Alam ni Floyd Mayweather, Jr. na si Manny Pacquiao ang may pinakamalaking tsansang makapaglagay ng mantsa sa malinis niyang boxing record.
Kaya naman pilit na iniiwasan ni Mayweather ang Filipino world eight-division champion.
“To get Mayweather in the ring with Pacquiao is a monumental task. Not because of splits, not because of money, because Manny stands the best chance of anybody that Floyd has faced to beat him,” sabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions sa panayam ng World Boxing News.
Halos limang taon nang pinipilit na maplantsa ang super fight ng 35-anyos na si Pacquiao (57-5-2, 38 KOs) at ng 37-anyos na si Mayweather (47-0, 26 KOs).
Ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin napaplantsa ang nasabing usapan.
Sinabi ng 83-anyos na si Arum na si Mayweather, ang American world five-division titlist, ang tunay na may problema kaya hindi maitakda ang kanilang mega bout ni Pacquiao.
“The real problem is that Mayweather is so damn smart when it comes to boxing and he realizes that of all the fighters fought and all the fighters out there that Manny poses the biggest threat. Why? Because Manny is fast, Manny can punch and Manny is left handed,” sabi ni Arum.
Ayaw ding labanan ni Mayweather ang mga boksingerong kaliwete.
“Floyd never wants to fight a left handed fighter because his style is designed to fight orthodox fighters,” dagdag ng promoter.
Ibinunyag kamakailan ni Arum na nakikipag-usap na siya sa opisyales ng CBS, ang parent network ng Showtime kung saan may exclusive contract si Mayweather, para buhayin ang negosasyon sa laban ng American fighter kay Pacquiao.
Ang Sarangani Congressman ay nasa bakuran naman ng HBO, ang karibal na network ng Showtime.
- Latest


















