^

PSN Palaro

Liderato ng PVF muling ginugulo ni Cantada

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mapupunta lamang sa wala ang gumagandang kondisyon ng Philippine volleyball dahil sa hangarin ng ilan na agawin ang liderato sa Philippine Volleyball Federation (PVF).

Sa isinagawang PSA Forum kahapon sa Shakey’s Malate, ang  mga kasapi ng national men’s at women’s team ay dumalo kasama ni PVF secretary-general Rustico ‘Ottie’ Camangian para kondenahin ang ginawa ng anim na PVF directors sa pangu­nguna ni Edgardo “Boy” Cantada, na nagpulong at nagsagawa ng eleksyon bago idineklara na sila ang lehitimong grupo.

“We don’t need this, ngayon na lahat ng sectors sa Philippine volleyball, mula sa players, coaches at sponsors, ay united,” wika ni Gretchen Ho, ang  ambassadress ng Philippine Superliga at media affairs ng PLDT Home Fibr na siyang sumusuporta sa dalawang Pambansang koponan.

“Bakit hindi sila puma­sok noong nagsisimula pa lamang kami. Ano ang purpose nila ngayon?” dagdag ni Michelle Datuin na public affairs officer ng PLDT.

Si Karl Chan ang pa­ngulo ng PVF na kinikilala rin ng grupo ni Cantada pero hindi nila tanggap ang pagkakaluklok ni Camangian bilang sec/gen at ang pagkakatatag ng interim administration na napagka­sunduan sa huling PVF board meeting noon pang Mayo 31, 2013.

Nasa forum din si Camangian at inihayag niya na malinis ang naganap na PVF board meeting noon pero hindi nabatid ni Cantada ang ibang napagkasunduan dahil nag-walkout ito habang nasa kalagitnaan ng pagpupulong.

Inamin niya na mga usa­ping teknikal ang ipinupuntos ni Cantada pero na­niniwala siya na nasa ta­mang landas ang direk­syong kanilang tinatahak dahil ang lahat ay nasisiyahan sa pagbabagong nangyayari sa Philippine  volleyball.

Sa liderato ni Chan na panig kay Camangian  ay nakapagsagawa ang PVF ng open tryouts para makakuha ng mga panlaban sa 2015 SEA Games sa Singapore.

Pumasok din ang mga sponsors at bukod sa PLDT Home Fibr ay tumulong din ang SM Group sa ipinadalang girls team na tumapos sa makasaysayang ikapitong puwesto sa 10th Asian Youth Girls Volleyball Championship sa Thailand.

ASIAN YOUTH GIRLS VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

CAMANGIAN

CANTADA

GRETCHEN HO

HOME FIBR

MICHELLE DATUIN

PHILIPPINE SUPERLIGA

PHILIPPINE VOLLEYBALL FEDERATION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with